CHAPTER 19 - **THE PROM PART TWO**

27 0 0
                                    


Still HER POV **

Andito ako sa condo ni Lily. Good to know na hindi naman pala si magkasama ni Luke sa iisang bahay.
Eh ano naman kung magkasama sila? Wala din naman akong magagawa diba?

Inaayusan ako ngayon ni Lily. Ang bait niya talaga kaya gustong-gusto ko siyang maging kaibigan.

"Done!"

Pinaikot niya ang silyang inupuan ko paharap sa salamin. Namangha ako sa nakita kong pagbabago ng mukha ko.
OMG is this me??? As in MEEE?! Ang ganda koooo.

Ngumiti ako at niyakap ko si Lily.

Huhu thanks to my make up artist. Chos haha.

"Thank you Lily at sawakas nagmukha rin akong tao."

Hinampas niya ako ng mahina sa braso tsaka kumalas na sa akin. Sabi niya sabay na raw kaming aalis at may susundo daw sa aming dalawa.
Napaka ganda rin ni Lily, syempre hindi rin siya patatalo.
Revealing yung suot niyang damit na mas lalong nakaka aliw tignan kasi napaka sexy niya.

May tumawag kay Lily at parang ito na yata ang driver na susundo sa amin kaya umalis na kami at dumeretso sa ibaba ng condo.

Sumakay na kami sa kotse at hinatid na kami sa campus.

Unang bumaba si Lily, nakita kong pinagtitinginan siya ng mga tao.
Syempre ang ganda niya at napaka sexy niya, para siyang isang celebrity na nag guess sa prom namin.

Sumunod naman akong pinagbuksan ni Kuya driver. Lumabas na rin ako sa kotse.

Ano ba iyan nakakahiya yung mga tingin nila.

"Sino yan?"

"Ang gaganda nilang dalawa."

"Outsider yata silang dalawa."

"Oo parang outsider. Baka isa sila sa mga partner/date ng varsity players."

Kung ano na ang naririnig ko na sinasabi at binubulong nila. Bulong pa ba iyan sa lagay nila? Eh dinig na dinig ko naman.

Nakita kong papalapit si Luke sa amin.

Oh lalaaaa napaka gwapo niya sa suot niyang black tuxedo huhu. Sana akin ka na lang. Ano daw? Aish erase-erase-erase!

Nakatingin siya sa akin. Eye to eye contact ang peg naming dalawa.

Pero nang makalapit na siya sa amin ay   Si Lily ang kinuha niya.

Hindi niya ako pinansin. At inaamin ko, parang may kung anong matalim na bagay na tumusok sa precious heart ko.

Huhu kainis talaga saan na ba kasi si Patrick?

Naupo lang ako sa isang gilid.
Si Lady wala,  hindi ko nakita malamang hindi yun sumali.

Madaming lalaking nagpa kilala sa akin. Nginingitian ko lang sila.
Parang nawala na ako sa mood.
Pagtingin ko sa orasan, 8:00pm na.
Wala pa rin si Patrick.

Nakita kong parang nagtatalo si Lily at Luke, ano na naman kaya ang pinagtatalunan ng dalawang yun?

"Sige na jagiya, puh-please huhu isayaw mo na ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon