FIONA'S POV
Ano bang pinag iisip ng Kangkong na 'to? Pinagtitinginan na kami.
Huhu si Patrick mylabs baka ano isipin nun.
Talande talaga Fiona. May Leo ka na may Patrick pa.
"Are you out of your nuts?"
Ano daw? Nuts? Wala naman akong naalalang pumasok ako sa mani. *pout*
"Stop pouting will you?"
Para siyang tatay na pinapagalitan yung anak. Ay teka lang, bakit ba ako payuko yuko dito e diba wala naman akong kasalanan?
Hinarap ko siya at tinaasan ko siya ng isang kilay ko. Nakalimutan ko hindi nga pala kami close.
"Close ba tayo? Wala akong kilalang Luke. Ah oo nga pala sikat siya dito sa campus pero hindi kami close. Kaya pwede ba Mister? Padaanin mo na ako."
Naka taas pa rin yung isang kilay ko na para bang feel na feel ko yung pagiging maldita ko. Haha pwede na ako maging artista. Omygash.
Nilampasan ko na lang siya at naglakad paalis. Hindi na rin ako babalik doon sa kanila ni Patrick. Nakakahiya naman kung sasama talaga ako sa kanila.
"Hey"
Ngunit makulit talaga ang gwapong 'to. He grab my arms and hug me tight. Pero syempre echos lang yun hahaha he grab my arms lang tsaka pinaharap niya ako sa kanya.
"Let's eat. Libre ko na 'to. Sige na puh-lease?"
Nag puppy eyes pa ang gwapo shete talaga.
Hmp sige na nga.Ngumiti na ako at sumama na nga sa kanila.
Nakita kong nagtatapon ng masamang tingin sa akin si Luke. Kung nakakamatay lang yung tingin niya baka kanina pa ako nakahandusay sa sahig.Tinignan ko siya tsaka benelatan.
Natawa ako kasi namula yung mukha niya sa inis sa akin. Hahaha pikon.--------------
"So Fiona, uh-may date ka na ba para sa upcoming prom night natin?"
Tanong sa akin ni Patrick. Ganyan talaga siya kanina pa iyan, maka-FIONA sa akin parang close na close na kami.Umiling lang ako. Wala naman akong balak sumali. "Hindi ako sasali sa prom-night."
Narinig kong napa-OHH yung ibang kasama ni Patrick. Parang nadismaya si Patrick pero ngumiti naman ito ulit.
"Sumali ka, hihintayin kita."
Tumango lamang ako. Ano ba 'to ang awkward naman kasi andito si Luke nakikinig.
Ay teka anak ng—! Tumango ba ako?! Wuahhh hindi pwede...
Unang una sa lahat wala akong damit na susuotin. Pangalawa wala akong makakasama. Si Lady sana yun kaso nagdadalawang isip din ang isang yun na sumali kasi nga gusto niyang mag dress,baliw talaga feeling niya babae na talaga siya.
-----------------
Kinabukasan
Nasa loob lang ako ng classroom.
Nagbabasa na naman.
Wala akong ibang magawa eh.
Si Lady nasa labas,busy sa group nila na gumagawa ng booth.
Ako naman tinatamad ako pero actually po sobrang tamad ko talaga pagdating sa mga ganyan.
BINABASA MO ANG
Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)
Teen FictionLUKE JIM KANG is a Korean celebrity. He's a famous korean heartthrob na napilitang umuwi ng Pilipinas, that's why he decided to hide his true identity. And dating Handsome Prince Celebrity ng Korea ay naging NERD ng campus. Gaano nya ba kayang ita...