CHAPTER 15 **BYE NERD MONSTER, HELLO MR. CELEBRITY **

13 1 0
                                    

Fiona's POV

Mga ilang araw na rin ang nakalipas simula nung makabalik na kami galing sa Seoul. Ilang araw na rin na hindi kami nagpapansinan ni Jim.
Iniiwasan ko talaga sya gaya ng pangako ko sa sarili ko.

Ginagawan ko ng paraan, gaya na lang ng upuan namin. Dapat seat mate kami kaso nakipag palit ako kay Lady. Medyo malayo na ako kay Jim.
Sa tuwing umuwi naman kami ay lagi akong nagpapahuli para naman hindi ko talaga sya makasabay.

Alam kong nahahalata na nya.
Hinahayaan nya lang din naman ako, kaya nakaka-disappoint. Ay wait ano daw? Hays. Bahala sya.

Nung isang araw kasi pauwi kami nun lalapitan ko sana sya kaso bigla kong nakita si Lily palabas ng kotse nya. Lagi na pala talaga silang magkasama.
Baka pati sa bahay magkasama na rin sila. Oo masakit. Kasalanan ko talaga ito eh, kasi hinayaan ko ang sarili ko na ma-fall sa kanya.
Dapat ibaling ko na ito sa iba. Sa pag aaral.
Kaya simula nun mas lalo ko na syang iniwasan.

------- CAFETERIA -------

Kumakain kami ni Lady.
Biglang nagka gulo sa loob ng Cafeteria. Ang lakas ng mga sigawan at tilian ng mga studyante. Pati yung mga nagtitinda sa cafeteria nakisali. Anong meron?

"Kyaaaaaa oppa!!!" – girl1.

"Waaaaaa ang gwapo nya talaga sa personal omyghaaad." – girl2

"So hot gosh!" – yung tatlong mean girls, (remember? Dun sa nang away kay Fiona sa Cafeteria before.)

Nagkatinginan kami ni Lady tsaka tumayo na rin para makisilip.
Mas matangkad sa akin si Lady kaya mas tanaw nya yung pinagkakaguluhan.
Narinig ko na rin syang sumigaw sa sobrang kilig.

"Kyaaaaaaa!!! Si Fafa!!!" Sigaw ni Lady.

Ang bakla talaga neto.
Sino ba talaga yung pinagkakaguluhan nila? Bagong transferee siguro.

"Sino ba yan?" Tanong ko sa kanya.

Tapos nakita ko lang na papalapit na pala si Jim ah hindi. Si LUKE.
Si Jim sya bilang Nerd pero sa ngayon, nawala na yung nerd monster na kilala ko, bye nerd monster and hello Mr. Heartthrob Prince.
Hindi na sya naka disguise.
Papalapit sya sa kinaroroonan namin ni Lady. Sigaw pa rin ng sigaw yung karamihan pero hindi ko na sila masyadong narinig parang naka-slowmotion na kasi.

Nilagpasan nya lang ako tsaka lumapit sya sa table nung mga table ng mga lalaking kilala din sa campus namin. Yung mga nag-gwagwapuhang varsity players. Kelan pa kaya sila naging close?
Umupo na lang ulit ako sa table namin ni Lady George.
Nakatingin lang ako sa nakatalikod na si Jim este Luke.
Nagbago na nga talaga sya.
Asan na ba yung nerd monster?
WALA NA...

"Hay grabe totoo nga pala talaga yung sabi-sabi nila dati na dito mag aaral si Luke. Ang gwapo nya talaga kyaaaaaa!"
Hinampas hampas pa ni Lady yung mesa sa sobrang kilig.

Ipinagpatuloy ko na lang yung pag kain ko. Iniisip ko kung bakit kaya mas pinili nyang itigil yung pagde-disguise nya?
Nakakapagtaka. Pero baka kasi sawa na sya sa pagdi-disguise. Mas masaya sya na kasama nya yung mga sikat na tulad nya kesa sa akin na di hamak scholar student lang naman at isang ordinaryong kaibigan.
Oo this time nasaktan yung ego, kahit man lang sana pinahalagahan nya yung pagkakaibigan namin. Pero di nya ginawa yun.

"Bessy are you okay? Kanina ka pa parang tahimik dian ah."

Nag nod lang ako tsaka tumayo, "Tara na Bessy, balik na tayo sa classroom."

Una na akong umalis at dali-daling sinundan ako ni Lady.






Lady's POV

Ano kaya ang problema ng bruhang ito? Kanina pa sya matamlay.
At kanina pa sya balisang balisa lalo na nung pumasok dito sa loob ng classroom namin yung bagong transferee student na si Fafa Luke.
Sila nga sana yung magkatabi kaso yung Gaga umayaw!

FLASHBACK---

"Good morning everyone. Maybe you already knew that we have a very important person na kaka-transfer lang galing sa Seoul Korea. And he's in front of you now. Mr. Luke Jim Kang." – Pagpapakilala ni Mr. Chong kay Fafa Luke.

Blank expression lang yung makikita nyo kay Fafa Luke.
Nag usap sila sandali ni Mr. Chong na parang nag bubulungan at tinuro ni Luke yung bakanteng upuan na katabi ni — Bessy FIONA?! Omigosh ang swerte ng best friend ko!!

Tinignan ko si Fiona at hindi pala ito nakatingin sa kay Mr. Chong at Luke.
Nakatingin lang si Fiona sa labas ng bintana.

"Ah okay, so ang makakatabi ni Mr.Luke ay si— Ms. Fiona Castillo." Nakangiting sabi ni Mr. Chong. Nakita kong napalingon na si Fiona at tinuro ang sarili nya. Ay gaga ikaw nga.

Yung iba kong kaklase na babae ay nag reklamo. Haha inggit kayo noh? Hays ako din naman eh. Sus kung di ko lang best friend itong si Fiona baka awayin ko na haha

"Yes Miss. Ikaw nga." Saad naman ni Fafa Luke habang papalapit sya kay Fiona na seryoso lang yung mukha.

"Ayokong makatabi ka Mister."

WTF BESYY?!!!

"Ha ano daw? Hala nasabi ni Fiona yun?" – kaklase 1.

"Grabe si Fiona oh." – kaklase 2.

"Bessy." Hindi ko napigilang umawat sa kinikilos nya, nababastos kaya si Fafa Luke.

Tinignan nya lang ako tsaka tumayo at kinuha ang mga gamit nya.

Nakita kong hinawakan ni Luke ang braso nya at may binulong ito sa kanya. Tinabig naman nya yung kamay nito tsaka nagpatuloy na umalis at lumipat sa tabi ko. At ayun may dalawang babaeng kaklase akong nag uunahan sa pwesto ni Fiona.
Pero tinignan lang ito ng masama ni Fafa Luke kaya di rin ito tumuloy. Kaya ang nangyari. Wala syang katabi. Hays sana ako na lang yun eh.

---- end of FLASHBACK ----

Oh diba?! Ang Gaga ng best friend ko! Waaah sayang eh. Pero parang may something dun sa nangyari kanina. Parang matagal na silang magka kilala pero imposible naman diba.

Ano kaya yung binulong sa kanya ni Fafa Luke?
Chichikahin ko 'to mamaya hmp humanda ka sa akin! Hindi kita titigilan hanggat di ka aamin bwhahahahahaha (evil laugh yan enebe)


-----///

AUTHOR'S MESSAGE:

Hello sa lahat, sinayang ko talaga ang kwentong ito. Matagal akong di nakapag update, nung una ang saya ko na sana kasi andami ng readers, hindi rin naman ako nagde-demand ng mga votes and comments basta ang mahalaga sa akin yung number of readers, tapos yung iba naki comment na rin kasi nga ang nangyari napabayaan ko yung kwentong ito ng dahil na rin sa hirap sa schedule kasi busy na sa work. Pero lately narealized ko lang na konting push naman lang ay matatapos ko na ang story na ito kaya tatapusin ko na lang talaga. :)

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon