CHAPTER 16 - **MOVED ON**

24 0 0
                                    



FIONA'S POV

Kapag minamalas ka nga naman oh!
Arg!! Langya!

"Hoy bessy!! Hindi mo pa sinasagot yung mga tanong ko ha?! Isa!"
Habol ng habol sa akin si Lady sa corridor. Walangyang bakla 'to. Ang lakas ng boses kanina. Tanungin ba naman ako kung anong relasyon namin nung Luke?!

"Bwisit! Tigilan mo ako ha?! Jumbagin kita gusto mo?"

Tumigil na kami kasi pareho na kaming humihingal.

"Bessy naman eh." Nag pout pa sya nyan, tsk.

"Hay wala nga bessy. Tsaka pwede ba? Bakit mo ba biglang naisip yun? Hindi ko nga kilala yung lalaking yun. Ayaw ko lang talaga sa kanya hindi ba pwede yun?"

"Talaga?"

"Oo!! Ayaw ko sa kanya! Ang yabang nya akala mo naman kung sinong gwapo."

Pero kanina, di ko makalimutan yung bulong nya. "What are you doing? Bakit mo ba ginagawa 'to?"

Hays ERASE! ERASE!

Ako dapat ang nagtatanong nun!

Habang palabas na kami ni Lady ng gate ay narinig na naman namin yung mga sigawan at hiyawan ng ibang mga studyante.

Nagsilabasan kasi yung pitong lalaking naka varsity jacket, kasali na dun si Luke. Isa na rin pala sya sa kanila.

Nakita kong may nag park na kotse sa parking lot at lumabas dun ang napaka-gandang babae at sexyng sexy sa suot nyang fitted dress na kulay red, below  the knee kaya kita ng konti yung legs nya.
Nagsipulan yun ibang mga kasama ni Luke.

Si Lily pala.

"Jagiya." Saad ni Lea tapos niyakap si Jim. "Sabay na tayo?"

Tumingin muna si Luke sa akin pero umiwas na ako ng tingin at nakatungong hinila si Lady palayo ngunit narinig ko naman na tinawag ako ni Lily.

"Fiona! Waaaa finally nakita din kita ulit." Lumapit sya sa amin ni Lady tsaka niyakap ako. Ang bait nya talaga. Walang bahid na kaplastikan yung mga ngiti at yakap nya sa akin.

Ngumiti lang din ako. "Ah-hehe oo nga."

"Pauwi na rin ba kayo? Hatid ko na kayo. Sabay na kayo sa amin Luke."

"Hindi na." Tanggi ko agad.

"Lily wag mo ng pilitin kung ayaw. Let's go." Sigaw ni Luke habang papasok na sa driver seat ng kotse.

Nag pout lang si Lily "Hmp. This past few weeks ang sungit na nya sa akin. Bye Fiona. Magkita na lang ulit tayo, yung walang istorbo. Baka gusto lang akong masolo ng Jagiya ko. Hihi."

Umalis na ito.
Ako naman walang reaksyon. Parang nasanay na. Wala na sa akin.

"Okay naguguluhan na talaga aketch ha?" Saad ni Lady habang naglalakad na kami pauwi.

"Oh bakit?"

"May something talaga eh. Umamin ka nga, anong koneksyon mo dun sa kanila?"  Nangungulit na naman si Lady. Napag isipan kong sabihin na lang sa kanya yung IBANG detalye. "IBA" lang naman. Para medyo guminhawa din yung masikip sa dibdib ko.

Ayun nga nagkwento ako ng konti, maliban dun sa disguise-disguise. Sinabi ko lang na nagkakilala kami ni Luke sa Jeju Island, kasama sina Leo, Kimji, Gino at Lea.

Kinikilig sya. "Kyaaaa bruha kaaaaa!! Kaya pala ang lapit lapit mo sa mga fafa na yun kasi nagka kilala na kayo dun sa jeju. Huhu nakakainggit bessy. Pero bakit parang magka galit kayo ni Fafa Luke? Okay naman kayo ni Fafa Leo, Kimji and Gino. Pati yung malanding Lily, mukhang okay din kayo." Pinitik ko yung bibig nya. Aba tinawag ba naman na malandi si Lily..

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon