CHAPTER 10 **Big Scene**

118 5 1
                                    

Fiona's POV

Kanina pa ako naka harap sa salamin.
Di ako kuntento sa mga damit ko. Siguro pang lima na ito ngayon na sinubukan ko.

Hayyy

Umupo na lang ako sa higaan ko tsaka napabuntong hininga, suko na ako. Ang papangit kasi ng mga outfit ko. May naka jeans ba na nag-gigym? May naka sweat shirt? Tshirt? WALA diba? Huhu kaasar naman eh.

May kumatok...

NAKU DI PA AKO READYYYY!!!!

Tinungo ko ang pintuan at dahan-dahang binuksan.

~ _____ ~

Si Leo nga.

Woah ang gwapo nya talaga shetness.

I shook my head, tsk nakakahiya!  Parang tulo laway na ata ako.

" Mwoh? "   (what?)

Hawt  sya. Lenggwahe namin yan ni Lady George. Hawt means Hot lang naman. Omg ang sarap nga nyang yakapin!  haha ang landi noh?  At ngayon ko lang napansin na ang dami pa lang babae sa bandang likuran nya. Grabe naman ang mga ito kung maka titig... HOY! MATUTUNAW NYAN SI LEO.

" Ready ka na? " – Leo.

Napakamot na lang ako sa batok ko.

Napatingin si Leo sa akin. At kailangan head to toe talaga? Tsk.  Nakakahiya!!!

" Let's go "

Hinatak nya ako palabas...

" U-uyy Leo... sandali lang d-di pa ako ready.. Ayoko ng sumama "

Wala syang sagot dun sa reklamo ko. Tumigil na lang kami bigla sa harap ng isang shop, na puro mga pang gamit sa gym ang naka display.

Ang gaganda nga lahat eh. Naka nganga lang ako. Hehe... parang tanga lang naman. Nakakamangha kasi.
Hinatak nya uli ako sa loob.
Ang hilig netong manghatak.

Natahimik ang lahat sa loob ng shop.  Nasa amin na ang atensyon nila. Some of them are my classmates.
Ampupu... Nakakahiya, baka sabihin nila two timer ako! Ang alam nila ... ay ang engot na Jim ang boyfriend ko. Di bale na, gwapo naman si Leo hihi.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa loob.

Shemayyy!! naka hawak pa pala si Leo sa kamay ko!

Kuha lang ng kuha si Leo ng mga damit at ibinigay sa naka sunod na Sales Lady.

" Isukat mo lahat yan." – Leo

" P-Pero "

"Sige na, nagmamadali ako."

Seryoso pa rin si Leo... Naghihintay pa naman akong sabihin nya na JOKE LANG.

Nakatayo pa rin ako sa harap nya.

" I'm not kidding... isukat mo na yan "

Mind reader ba sya? Sige na nga...

Minsan lang naman darating sa buhay ng tao ang swerte kaya....igagrab ko na ito.

****

Nahilo na ako sa kakasukat ng mga damit... Tapos ang ending.

Yung huling sinukat ko lang pala ang susuotin ko. - ____ -

Edi sana na lang pala ay ito na ang unang sinukat ko kanina.

Pero binili din pala lahat ni Leo yung mga isinukat ko. Nag agawan pa nga kami sa counter kasi ayaw kong ipabili na sa kanya yung iba. Kaso-mapilit talaga sya. Edi gorabels.

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon