CHAPTER 17 - **HE'S OUT OF HIS MIND**

18 0 0
                                    


FIONA'S POV

"Malapit na yung prom-night, prepare yourselves." – Mrs. Diaz. Sya yung P.E Teacher namin. At balita ko isa sya sa mga magiging host ng event.

Oo nga pala. Malapit na yung prom.
This end of the month.
Yung iba nga busy na sa paghahanda. Yung iba naman excited. Maliban sa aming dalawa ni Lady.
Yung dahilan ko, wala lang dagdag gastos.
Si Lady. Hindi daw sya makakapagsuot ng gown o dress kaya wala din daw silbi yung prom hahahaha

Dismissed na yung klase. Busy na nga kasi yung iba sa mga plano nila for the event. May mga booths raw at kung ano pang pakulo ang plano nila.

Lumabas na muna ako ng classroom, magbabasa na lang ako ng libro doon sa tambayan ko. Mas gusto kong mapag isa pag nagbabasa ako ng paborito kong libro. 'MAZE RUNNER: THE DEATH CURE'. Medyo mahilig kasi ako sa suspense and action. Di ako masyadong mahilig sa plain Romance lang. Pwedeng Comedy Romance.

Nasa Science Park ako.
Maganda kasi dito. Maaliwalas ang hangin tsaka may swing pa.

Basa...

Basa...

Basa...



"Hi."
Halos matapon ko na yung hawak kong libro sa sobrang gulat.
Sino ba yun? Nilingon ko kung saan galing yung boses, nasa tabi ko pala, nasa swing din sya.
Kyaaaa ang cute nya. Fil-Am ba? Filipino American? Ang tangos ng ilong nya, in fairness ha yung kutis mamula mula tsaka maputi. Ay halata, rich kid 'to. Anong ginagawa nya dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na naka kunot pa ang noo.

Ngumit lang sya tsaka tumayo.

"May inaantay lang ako." Nakangiti nya pang sabi. Naku naman wag kang ngumiti! Nakakalaglag panty jusko! Waaaa ano na ba pinag iisip ko.

May hinihintay pala sya malamang girlfriend nya. Baka dito yung tagpuan nila. Ano ba yan, akala ko ako lang yung nakakaalam sa lugar na ito. Ngayon may iba na. Kaasar naman, hahanap na ako ng ibang matatambayan neto.

"Ah ganun ba, aalis na ako. Dadalawa lang yung swing kaya aalis na ako, baka darating na yung hinihintay mo."

Tumayo na ako tsaka palayo na sana. Medyo napahinto ako nung tumayo din sya at unang naglakad sa akin.
"No need to go. Ikaw talaga yung hinihintay ko. Enjoy reading. Sana next time kasama mo na ako habang binabasa yan." Tapos umalis na nga sya at ako naman.

O____O ?????

Parang may malaking question mark na nakapatong sa ulo ko.
Ano daw??

Ako???

Hinihintay ng gwapong nilalang na yun?

Weh????

Sus. Trip lang yata ako nun eh.

Napaismid lang ako tsaka umupo ulit at nagpatuloy sa pagbabasa.

Mga lalaki nga naman oh. Di porket gwapo eh kailangan ng mang-trip ng mga babae. Nakaka turn off naman sya. Mukha pa naman sanang mabait. Tsk sayang.



------------


Someone's POV

LINTEK talaga.
Bakit ba sa tuwing nakikita ko sya eh natotorpe ako? Walanjo naman oh ayun na eh, andun na ako. Kaso umalis pa ako sa sobrang kaba ko na aalis din sya. Ayokong maistorbo yung pagbabassa nya.

Matagal ko na syang tinatanaw doon sa Science Park. Medyo malapit lang kasi ito sa Gym na pinagpapractisan namin.
Last month ko lang sya nakita at napapansin kong madalas pala talaga siyang tumatambay dun.
She's pretty. No, kulang ang salitang 'maganda' sa isang tulad nya.
Simula nun parang stalker nya na ako. Oh that's crap. Yeah so fucking crap.
Ako na kilala sa campus at pinagkakaguluhan ng mga ibang babae ay patay na patay sa isang napaka ordinaryong babae lang. Mas mabuti ng ganito. Wala akong kaagaw.

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon