CHAPTER 11 **Knight and Shining Armor**

62 3 0
                                    





CHAPTER 11 -  Knight and Shining Armor

STILL HER POV

Nasa loob na kami ng kwarto. Bakit ba kasi magkasama pa kami sa iisang kwarto? Nakakainis sya!

Ngayon, ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa mga classmates ko O,O hoho.

Andami na nyang ibinigay na problema saken!!

Nanonood lang ng tv si Jim, naka eyeglass sya at relax na relax na nakaupo sa couch habang hawak ang remote control.

I Tsk-ed. Magulo yung nangyare kanina, ano na lang gagawin namin ngayon? Magtataka ang mga tao kung bakit kasama ko Sila kanina. Buti na lang malayo yung Hotel na tinutuluyan namin. For VIP's only lang daw kasi ang Hotel na ito.

Nagtalukbong na lang ako ng kumot.

At matutulog na muna ako.


------------

JIM'S POV

In-Off ko na yung Tv. Natutulog na kasi si Fiona. Napagod nga siguro sya. Nilapitan ko sya at inayos ang kumot nya. Medyo malamig na kasi.

Witch, ang kulit mo talaga.

Natigil ako sa pag-iisip dahil biglaan na lang nag ring ang phone sa bulsa ko. Agad akong lumayo kay Fiona at sinagot ang caller.
Si Lily pala.

"Jagiya!"  –sigaw ni Lily sa kabilang linya.

"Mwoh?"

"Good news Jagiya! sasabay ako sa pagbalik nyo sa Philippines."

"Mabuti naman kung ganun, ge magkikita tayo sa Airport sa araw ng alis namin."

"See you there Jagiya!"

==call ended==

Napangiti ako, Hindi pa rin nagbabago si Lily. Minsan isip bata pa rin. Napatingin ako sa wristwatch ko. May lakad pa pala ako.

Nabihis lang ako at umalis na. Tinignan ko muna si Fiona, bahagya akong natawa, naka nganga habang humihilik? pffft-

Witch, aalis ako sandali. Babalik din ako.

=======================================================================


Fiona's POV

Nagising ako na sobrang tahimik na ng paligid ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Wala si Nerd Monster.

Saan na naman kaya yun napunta?

Napahawak ako sa tyan ko. Nagrereklamo na ata mga alaga ko.

Kailangan ko ng kumain.

Tinignan ko ang wrist watch ko. 6:04 pm na pala.

Bumangon na ako sa pagkaka higa ko, at nagbihis. Lalabas ako para kumain.

Langyang Nerd Monster na yun... iniwan ba naman akong mag-isa dito, na wala man lang pagkain? Walang iniwang pera? Walang iniwang note?! Tss....

Padabog kong isinara yung pinto ng kwarto namin. Kabwisit eh naba-bad trip ako!

Huhu pasensya na, pero ganito lang talaga ako pag gutom na ako.

I waaaaaaant toooo eaaat!!!!!! 

Bumili lang ako ng Noodles, at napadpad ang mga paa ko sa Tower.

Loving A Prince (UNDER CONSTRUCTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon