Chapter 17: Hunter's Picture

171 4 0
                                    

Chapter 17: Hunter's Picture

Jade's PoV

Naglalakad-lakad ako sa campus mag-isa. Gusto ko lang maglibot sa campus kasi nakakabored sa dorm, wala ata sa dorm si Alyssa kasi ilang beses akong kumakatok pero walang nagbukas kaya umalis na ako, si Lexie wala rin sa room, si Yassie pupuntang library pero 'di sinabi ang dahilan.

Habang naglalakad ay bigla kong naalala si Grey, simula nung lumipat ako sa school na 'to nawala yung connection ko kay Grey. Feeling ko may iba na yun kasi walang tawag na ako natatanggap sa kanya. Pero ayaw ko naman mag-predict hangga't 'di ko alam ang nangyayari.

Nahinto ako saglit nung may narinig akong tilian. "OMG! Si Allen kinawayan ako!"

"Nginitian naman ako ni Grey!"

Grey? Hindi kaya nandito rin yun? Imposible. Tumayo ako sa isang gilid at pinanood ang grupo ng mga lalaki composing of five member. Nung makita ko na yung mga mukha nila except sa isa kasi nakaharang yung matangkad na lalaki. "Familliar yung iba sa'kin," bulong ko habang pilit na inaalala yunv ibang miyembro. "Ah! Yung iba ay yung kasama ni Alyssa pero 'di ko na malala yung iba... Classmate ata yun nila Alyssa." Napaisip ako ng malalim.

Tiningnan ko ulit sila at nagulat ako. "G-grey?" at ilang beses ako pumikit-pikit para masiguro na si Grey nga yun. At siya nga, napangiti ako at naramdaman kong may tumulong luha sa kanang pisngi ko. "Bakit ako umiiyak?" Sabi ko at hinawakan ang kanang pisngi ko. Ano bang meaning kapag unang luha mo ay tumulo sa kananng mata? 'Di ba masaya? Pero bakit parang ewan yung nararamdaman ko?

Napaupo ako sa isang bench at pinagmasadan sila mula rito. 'Di ko maiwasan na ngumiti dahil nalaman kong nandito siya, pero ang nakakapagtaka bakit 'di niya sinabi na dito siya nag-aaral?

"Jade?" napatingin ako sa kaliwa kung saan nanggagaling yung boses ng isang pamilyar na babae. "Bakit ka umiiyak?" tumabi siya sa'kin. "S-si G-grey kasi..." naiiyak na sabi ko kaya napatakip na ako ng mukha. 'Di ko alam bakit ako umiiyak kasi masaya ako nung makita ko si Grey na dito rin nag-aaral kasi yung tinanong ko dati kung saan siya nag-aaral sa isang all-boy school daw pero never ko siyang nakitang naka-uniform ng school na yun o kaya pumasok o lumabas. At nakalimutan ko pa kung anong name ng school.

"Si Grey?! Bakit?! Pinaiyak ka ba nung lalaking yun?! Nasa'n siya?!" overacting sabi ni Alyssa kaya napatasyo siya, napansin kong agaw atensyon yung ginawa niyang pagsigaw sa harap ko. Nilibot niya ang tingin niya sa paligid. "Nandito ba yun?" tanong niya kaya tumango ako. Biglang napako yung tingin niya sa isang lugar kaya sinundan ko yung tingin niya... Nakatingin siya sa pwesto nila Grey.

Nagulat ako nung sugudin niya sila. "Hoy babae lumayas ka, bilis!" sigaw ni Alyssa sa babae, ba't may babaeng kasama si Grey? Wala naman kanina 'yan ah.

***

Alyssa's PoV

Pinalayas ko na yung babae na kausap ni Grey at bakas sa mukha niya ang gulat. "A-alyssa," at kinuwelyuhan ko siya, pinipigilan ako ni...Zane? Teka, kaibigan ba ni Grey si Zane? Ay ewan. "Nambabae ka ba o hindi? Sagot!" utos ko. "Huh?" nagtataka niyang tanong. Pa-inosente effect pa 'to eh huli ko na may babae 'to. Susuntukin ko na sana siya kaso may humigit ng wrist ko, napatingin ako sa likod. "Neil?" binaba na ni Neil yung wrist ko at binitawan habang nakatingin sa'kin na blanko ang ekspresyon.

Don't tell me... May something si Neil at Grey? Hindi babae yung third party kundi lalaki at si Neil yun. Kasi karaniwan dapat ng pipigil sa mananapak ng boyfriend ay girlfriend ng sasapakin... kaso sa ngayon si Neil ang pumigil sa'kin kaya... Bromance?! Nakupo. Mambabae ka na lang Grey, 'wag manlalake!

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon