Chapter 1: Alyssa

591 18 0
                                    

Para sa makakabasa: kung may wrong grammar, spelling o kung ano man. 'Common sense' lang naman yung sagot :))

***

Chapter 1: Alyssa

(Monday: 6:45 PM)

Alyssa's PoV

"Bakit ngayon pa? Huhuhu"

"Kung kailan masaya na ko..."

"Tyaka mo sisirain ang mukha ko!" sabay hagis ng mahahawakan, vase.

"Kaya dapat gumamit kayo ng facial cleanser para mawala ang inyong tigyawat"

"Sayang ang inyong ganda kung meron kayo nito *turo sa tigyawat* , kung gusto niyo gumanda ang skin niyo, use this"

"This is our new product, facial cleanser, your face will be soft, flawless and bright just like me!"

"Ano pang hinihintay mo? Bili na"

"For only 1,000 pesos, you have the most beautiful face in the universe!"

"HAHAHAHA!" tawa namin. The best talaga si Lexie, ang galing umarte. Bagay na bagay siya sa mga commercial.

"Nice one Lexie, san mo nakuha yang tigyawat mo?" bati ni Jade.

"Ang galing mo girl! fake ba yung tigyawat?" sabi ni Yassie. Tama naman sila, ang galing talaga ni Lexie umarte, pero san nakuha ni Lexie yung tigyawat? pero bago yan,nakakapagtataka nga, kung bakit ayaw niya mag-audition sa mga contest, sayang pa naman yung talent niya.

Pero sa sure ako highest kami kaysa sa ibang classmate namin, dahil na samin ang best actress.

"Oo nga Lexie, ang galing mo umarte" sabi ko

Pangarap ko din mag-artista, as in magaling umarte. Sana katulad din ako ni Lexie.

"May kapalit yan!" Eh? Bakit ako sinigawan ni Lexie?

"Huh? Bakit ako lang" hindi ko alam kung anong pinagsasabi nito ni Lexie.

"Siyempre, assignments" kaya pala pumayag.

"Kaya pala"

"That's why she agreed *tango* *tango*"

Baliw talaga sila Jade, may pabulong-bulong pang nalalaman. At si Yassie naman tango tango pa.

"O, sige kunin ko lang" umalis muna ako sa pwesto namin. Tapos narinig ko pang sumigaw si Lexie.

"Magpaparinig na lang kayo, mali pa!"

"Bakit anong tama?" tanong ng dalawa

"Di ba ang ganda ni Lexie. Ganun!" ayun na yung huling narinig ko. Pero baliw talaga si Lexie, ang lakas ng pagka-assuming. Pero maganda talaga siya. Ang gulo ko.

Pumunta na ako sa bintana, dun kasi malapit yung bag ko. Tapos, binuksan ko na anf bag ko. Pero habang binubuksan ko may naaninag akong anino. Yung parang feeling mo may dumaan sa harap mo. Tumingin naman ako sa bintana, wala naman. Naagaw yung attention ko nang makita ko yung buwan, full moon pala ngayon. Wow! Ang ganda. "Ano yun? Taong nag t-ten twenty, tapos mataas lang tumalon? O aswang?" Huwag naman sana, ang ganda-ganda ng mansion nila Lexie, tapos hunted mansion lang. Sayang ang laki pa naman ng mansion.

"Anong tinitingnan mo?"

"Ay anak ng baklang dinosaur!"

"Lexie naman eh! Aatakihin ata ako sayo kahit wala akong sakit eh! Bakit ka kasi nanggugulat diyan?!" nakakagulat talaga si Lexie, dati nung una akala ko aswang siya. Kasi bigla-bigla susulpot o maya-maya biglang mawawala sa tabi mo. Pero napag-isipan ko, hindi rin kasi ang ganda niya eh. Sayang lang yunf ganda niya kapag aswang.

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon