Chapter 5: Saying Goodbye

318 12 0
                                    

May part po dito na napalitan, kasi kailangan po, hehe. Eto po ang mga napalitan:

*Allyssa Rossette Parker

-Alyssa Asher Parker

*Allyssa

-Alyssa

*Akita (breed)

-Chow chow

*Hachi

-Howl

'Yan po ang napalitan :)

***

Chapter 5: Saying Goodbye

Alyssa's PoV

Papasok na ako ngayon sa school. Kailangan ko na magba-bye sa school ko, friends, at mga kaaway. Grabe, mamimiss ko ang Villandel Angel Academy, kung saan naging president of student council ako.

Nakauniform na ako. Kanina pa ako nakaready para umalis papuntang school, pero ayaw ko pa. Hindi ko alam kung bakit, nakatingin lang ako sa sarili ko gamit ang salamin sa kuwarto ko.

"Last na suot ko na pala 'tong uniform. Mamimiss ko 'to" napabuntong hininga na lang ako, aalis ba ako o titingnan na lang ang sarili ko? Aish, makaalis na nga. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Howl (Hachi). "Rarr! Rarr!" ayaw ata akong paalisin ni Howl. Aba, malandi na tong aso. Binuhat ko si Howl, at bumaba na sa hagdan at dumiretso sa living room.

"Howl, aalis na ako ah? Dito ka lang" sabi ko pero nagtaka ako sa sinabi ko, "Malamang Alyssa dito lang si Shovel. Ala nga namang marunong magbukas ng pinto at gate to" sagot ko din. Kung makikita ako ng ibang tao rito, magmumukhang tanga ako. Kasi ikaw ba naman kumausap sa aso at ikaw rin ang mismong sasagot.

Hinimas ko muna 'yung ulo ni Howl bago ako umalis sa living room. Hindi naman ganito si Howl, hindi niya ako tinataluhan kapag aalis ako. Tulog lang siya sa sofa o kaya naglilibot sa bahay. "Bye na Howl, *tingin sa wristwatch* 6:30 AM na eh," at umupo na lang siya sa sofa habang nakatingin sakin. Kinuha ko na ang backpack ko malapit sa front door at sinuot.

Sinigurado ko munang nakalock ang ibang mga pinto, at bintana bago ako lumabas. Pumunta ako sa garage ko. "Gagamitin ko ba o hindi?" tanong ko sa sarili. Ang tagal ko na rin naman hindi nagagamit yung sports car ko at motor bike ko. "Huwag na nga lang," umalis na ako sa garage at pumuntang gate. Lumabas na ako at nilock. Nasakin naman 'yung susi, kung nawala ko man 'yung susi may extra pa sila daddy kaso pupunta pa ako sa office niya. Doon na yata 'yun nakatira eh.

Naglakad na ako palabas ng subdivision.

*ring *ring~

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag.

"Hello?" hindi ko na tiningnan kung sino, malalaman ko rin naman kung sino dahil sa boses.

["Anong hello?! Baka gusto mo magpaliwanag?!"] sa tingin ko alam na ni Jade.

"Saan naman?"

["Aba! Grabe ka Alyssa! God!"]

"Baka baliw ka na Jade hindi mo lang sinasabi?" naglalakad pa rin ako. Wala nga masyadong tao sa labas, siguro nasa loob ng bahay o nasa school. Sasabihan ako ni Jade na magpaliwanag eh hindi ko nga alam kung ano ipapaliwanag ko, puro sigaw kasi pinaggagawa.

["Anong klaseng President of student council ka?!"]

"Babae. Teka nga, ano bang pinaglalaban mo?"

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon