Chapter 11: Full Moon

267 8 0
                                    

Chapter 11: Full Moon

Alyssa's PoV

"Di talaga ako makapaniwala---"

"Na nandito kami, girl?" dugtong ni Yassie.

"No, sinabi sa'kin ng principal na lilipat din kayo ng school at dito yun. Kaya expected ko na makikita ko kaya rito. Ang 'di ko ineexpect kung saang section kayo ngayon," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa next building para sa next subject namin. Kakatapos lang namin kumain sa canteen kasi break namin. 15 minutes pa bago magsimula yung next class namin.

"Catherine, anong building ba yung pupuntahan natin?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, sa kanan ko sya nakapwesto. "Sa Kasai Building, ate. Malapit yun sa girl's dorm," at tumakbo na naman siya, kaya napatakbo rin kaming apat.

Kanina halos dulo na ng mundo yung building para sa first subject namin, tapos ngayon sobrang lapit naman sa dorm. Kung 'lagi ganito, siguro putol na yung binti ko sa kakatakbo.

Math pa naman yung next subject namin, siguradong strict yun kasi karaniwan na math teacher nakakatakot at strict, kaya kailangan namin, ay hindi pala. Ako, si Catherine, at si Yassie lang ang magmamadali, 'di ko naman kaklase sina Jade.

Nakarating na rin kami sa Kasai Building, pumasok na kami sa loob. "Catherine, nakakatakot b-ba yung Math t-teacher natin?" sabi ko habang hinahabol yung hininga ko. "D-depende kung anong g-gusto ng math teacher natin, ate" depende? Pa'nong depende? Depende kung papatayin nya kami sa pagso-solve ng problem? Aish! Ewan!

"Catherine, anong floor yung next subject natin?"

"Sa 3rd floor, ate"

"Kayong dalawa? Anong floor kayo?" tanong ko kanila Jade at Lexie.

"Sa 4th floor ako," sagot ni Jade. Section 2-A si Jade, hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala na si Jade ay nasa section 2-A, dapat kaklase ko sya kasi matalino naman 'yan eh.

"Sa 6th floor ako," sagot nu Lexie. Section 3-B si Lexie, ang 'di kapani-paniwala sa lahat. Mataas pa rin yung section nya, pa'no siya napunta dun? Eh nung nasa Villandel Angel Academy, kulang na lang lumuhod sa harap ko si Lexie para lang bigyan ko siya ng sagot sa mga test namin.

"Goodluck, sana 'di mo maranasan ang lupit ng hagdan," sabi ko kay Lexie, nang mahagilap ko ang isang elevator na may papasok na estudyante, agad kong hinila sila Catherine para makaabot kami. Ayaw ko na makita ulit yung hagdan na yun.

"Bye!" 5 minutes na lang kasi bago ang klase, kaya kailangan namin makaabot sa elevator para hindi kami ma-late. Nang magsasara na yung pinto ng elevator, hinarang ko yung paa ko para 'di magsara at bumukas ulit. Pumasok na kami sa loob, at huminga ng malalim.

Pipundutin ko sana yung button papuntang 3rd floor kaso nakapindot na pala. Ibig sabihin, mga kaklase namin yung nandito? Tumingin ako sa reflection ng elevator, wala akong kilala sa kanila. Hanggang mahagilap ko yung isa kong nakikilalang mukha, si Ferrin.

*Ting~

Bumukas na yung pinto ng elevator at lumabas na kaming lahat. Pinauna na naming maglakad yung kasama namin sa elevator para sundan sila papuntang classroom namin.

Nakarating na kami sa classroom at wala pa yung Math teacher namin. Yung proper seats namin ay katulad nung sa English subject namin.

Nakaupo lang ako ng tahimik kasi wala naman akong makakausap dito, ang layo ni Catherine at Yassie sa pwesto ko, ayoko naman kausapin si Ferrin, scary kasi yung mukha nya, laging serious.

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon