MLWAW Prologue

587 17 0
                                    

Para sa makakabasa: kung may wrong grammar,o spelling o kung ano man. 'Common sense' lang naman yung sagot :))

***

Prologue:

Isang magandang umaga

"Gising na" sabi sa'kin ni mama.

"Ma, antok pa ako" pagra-rason kp. Inaantok pa talaga ako. Ang ganda ganda kasi ng palabas sa t.v. kaya late na ako natulog.

"Hindi, tayo na. 7 years old ka pa lang"

"Anong kinalaman no'n, ma?" sabi ko.

"Wala, tumayo ka na, anak"

"Eeeeee, ayaw pa po" hinihila ako ni mama patayo sa kama, kaso ayaw ko pa.

"Isa, dalawa"

"Eto na po" at umupo na ako sa kama at kinusot-kusot ang mga mata ko at tumingin sa oras. Seven pa lang ng umaga. Kaya napahiga ulit ako sa kama.

"Aimee!" nagulat ako sa sigaw ni mama.

"Eto na po, ma" tumayo na ako sa kama at duniretso sa c.r. para maligo. Kumakanta pa ako habang naliligo.

Pagkatapos kong maligo, nagsuot na ako ng damit, at lumabas na sa c.r, pumunta ako table ko na puro accesories ang nasa taas. Kinuha ko ang blower ko at sinaksak sa outlet at pinatuyo na rin ang buhok ko. Pagkatapos ay sinuklayan ko na ang buhok ko, mahaba na pala buhok ko. Tinanggal ko na ang saksak ng blower at lumabas na ng kuwarto.

Pagkababa ko sa hagdan, dumiretso na ako sa kusina kung nasaan sila ate. Si ate kaagad nakita ko. "Ate!" at humarap sa'kin si ate at tumakbo na ako sa kanya para yakapin siya.

"Bakit?" tanong ni ate. "Wala lang. Hehe" si kuya nakatingin lang sa'kin. "Ako wala?" at kumalas na ako kay ate at pumunta kay kuya. Nakipagbungguan lang ako ng kamao kay kuya, ayaw ko siyang yakapin, kikilitiin ako niyan.

"Aimee, kumain ka na" at nilapag na ni mama ang pagkain ko sa lamesa. Pumunta na ako sa puwesto ko sa tabi ni ate. "Wow, mini pancakes. Yey! kainan na" mini lang daw ang pancakes ko kasi daw baka hindi ko maubos.

Sumubo na ako ng isang slice ng pancake. Hmmm, ang sarap sarap talaga nito kahit kailan. "takaw mo talaga" asar sakin ni kuya. Nginuya ko ang pancakes at ninunok ng mabuti at uminom ng gatas. "Inggit ka lang kuya. Bleh" at umiling-iling lang si kuya bago isubo ang pancake.

Excited na ako sa bakasyon mamaya sa Palawan. Hihihi. "Bunso, malapit ka na pala mag-grade 2, haha" asar ulit ni kuya. Si ate tumatawa na lang. "Kuya, kakabakasyon lang, pasok agad?" at kumain na pang ako ng pancake.

"Nasan pala si kuya Aaron?" tanong ko sa kanila.

"Mamaya pa ang dating niya" at napalingon kami sa pinto papasok ng kusina, si daddy pala. "Aahhh" 'yon lang sagot ko at balik kain ulit. "Ayos na ba lahat ng gamit niyo?" tanong ni daddy sa'min. "Opo" sagot namin nila ate. "Maya-maya aalis na tayo" Yiii, aalis kami mamaya. Yehey.

***

"Waaah! Anong gagawin natin, daddy?" tanong ko habang umiiyak. Ayaw gumalaw nila ate at kuya. Anong nangyari sa kanila? "Humawak ka na lang ng mabuti sa seat belt mo" humawak nga ako, at pumikit. Dinilat ko rin kaagad.

Tiningnan ko ang daan. Napapikit kaagad ako ng wala na akong makitang daan.

***

"Aaaahhhhh!!!" sigaw ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pawis na pawis ako. Lumingon-lingon ako sa paligid. Nandito lang pala ako sa kuwarto ko.

"Panaginip lang pala" sino kaya si Aimee? Kakaiba talaga ang panaginip ko. Hindi naman ako 'yung nasa panaginip kasi ako si Alyssa. Tumingin ako sa wall clock. Pasado alas-dose na pala ng hating gabi.

Blurred ang mga mukha nipa sa panaginip ko. Sino kaya sila?

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon