Chapter 4: Visitor

330 14 0
                                    

Chapter 4: Visitor

(Tuesday: 4:45 AM)

Alyssa's PoV

"Waaahhhh!!" napabangon ako mula sa pagkakahiga ko. So, it means na panaginip lang lahat iyon? Anong oras na ba? Gabi pa lang ba?

Tiningnan ko kung anong oras na. "Ahhhh!! 4:45 am na?!!!" tili ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at in-on ko. Dali-dali ko pinuntahan ang calendar ko sa cellphone, kasi hindi ako naniniwala sa wall clock ko na umaga na (madaling araw). "Waahhhh!! Tuesday na?!?!" Anong nangyari kahapon?

Pa'no ako nakauwi? Nag-sleepwalk? "Ah, ang sakit naman" napahawak ako sa ulo ko, at may nakapa akong benda. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Dahan-dahan kong inunat ang mga paa ko, pero ang sakit sobra!

Habang tumatayo ako ng maayos lalong kumikirot. Kaya mas pinili ko na lang na mag-lakad ng paika-ika papunta sa salamin ng kuwarto ko. Nang makarating na ako sa salamin. Nakita ko 'yung sarili ko, may benda yung ulo ko, nakita ko yung mukha ko may mga sugat ang mukha ko, at may bandage din.

Kung sino ka man nag-lagay ng bandage sa mukha ko. Ang kuripot mo kuya/ate. Lima yung sugat ko, dalawa lang merong bandage, ang poor naman. Pero salamat pa rin. Nakatingin lang ako sa sarili ko habang hinihimas ang mukha ko. Kawawa naman ako.

Paano na ako makakapasok sa school? Ang sakit ng buong katawan ko. 

"Makatulog na nga lang" bulong ko at bumalik na ako sa kama ko ng paika-ika. Ang sakit talaga!

Pagkahiga ko, nakatingin lang ako sa kisame.

*Imagination

"Waaaaaa!! Ano na po gagawin natin? Huhuhu"

"Huwag ka mag-alala anak, makakaligtas tayo"

Biglang nahulog ang sinasakyan nilang kotse sa bangin

*End of imagination

Napakurap ako ng ilang beses para mabalik na ako sa sarili. "Imagination ko lang pala" pumikit na lang ako.

***
"Waaaahhhh!!!!" napabangon ako sa kama ko. Nanaginip ako na hinahabol daw ako ng pangit na bulldog at tumutulo pa 'yung laway. Kadiri naman. Napatingin ako sa bintana, maliwanag na. Oh my gosh, anong oras na?

Tumingin ako sa wall clock, 11:30 na ng umaga. Absent na talaga ako. Kinuha ko 'yung cellphone ko sa side table, may 10 messeges at 15 missed calls.

Lahat 'yun galing kanila Jade except sa isang missed call. Pang siyam na missed call, unknown number eh. Sino kaya 'to? Baka wrong number lang. Tsk.

Binuksan ko yung messeges.

Jade: Alyssa, asan ka na ba?

Lexie: Papasok ka ba?

Yassie: Girl, anong oras na! Where na you ba?

Yassie: Hhhhheeeeyyy!!!

Jade: Wait ka namin sa front gate until 7 am. Pag wala ka pa, alis na kami

Lexie: Usong tumawag!

Lexie: Alyssa!

Yassie: Thank you ka girl, lagi akong unli sa text at call. Also, you are rich just like me. KAYA TUMAWAG KA GIRL!!!  MY FEET WAS HURT NA!!

Unknown number: Be careful

Jade: Hindi ka na namin hihintayin Alyssa, antagal mo eh. Nainip na si Yassie, basta LAGOT KA SA'MIN PAGPASOK MO. BWAHAHAHAHA

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon