Chapter 15: The Last Test I

178 7 0
                                    

Chapter 15: The Last Test

(Friday: 2:28 PM)

Alyssa's PoV

-MAPEH (PE)-

"Shoo! Shoo! Maging ninja na lang kayo ulit!" pagtataboy ko sa mga men in black suits palabas ng door papuntang olympic pool. "Pero Miss Alyssa," sabi ni men in black suit no.1 pero tinaboy ko yung pagmumukha niyang nakatingin sa'kin. "Baka po magalit si Sir Christopher," dahilan niya. I rolled my eyes. "Wa-la a-kong pa-ke, lumabas na lang kayo ulit kapag may nagyaring ka-weird-uhan sa'kin. Alis!" tinutulak ko si men in black suit no.1 palabas kasi alam kong susunod yung iba kapag pinalayas ko na siya.

*Flashback

Palabas na kami ng dorm at kasabay na namin si Yassie, feeling ko kasi kapag humiwalay siya sa'min, mangyayari yung napanaginipan ko.

Paglabas na namin, sumalubong sa'min si men in black suit no.1 at napansin kong dumami yung kasama niyang men in black suit. Lumapit siya sa'kin, at yumuko siya. "Miss Alyssa, nakarating po kay Sir Christopher yung lalakeng nagpakilala sa inyo nung Wednesday. Gusto niya po na higpitan namin ang pagbabantay sa inyo kaya nagpadagdag pa po siya ng benteng magbabantay sa inyo," paliwanag niya.

"Kayo ba nagsabi?" tanong ko. "Hindi po," sagot niya. "Weh? At sino naman magsasabi nun kay daddy?" mataray na tanong ko. "Baka po si Young master," nagsalubong naman ang dalawa kong kilay sa sagot niya. Nakalimutan kong nakikita pala ako ni Isaac kahit saan ako magpunta. "Young master?" tanong ko. "Si Sir Isaac po," magalang na sagot niya. "'Wag mo na ngang tawaging 'young master' si Isaac, 'kala ko kung sinong young master, lalo na't 'di na 'young' yun. Tsk." sagot ko at nilagpasan na lang siya.

Wala na akong magagawa, wala nama akong laban kay daddy pagdating sa mga gusto niya para sa'kin. Kahit magwala ako sa harap niya para lang sabihing paalisin yung mga guards ko, wala pa rin siyang pakielam.

Habang naglalakad kaming papunta sa building napansin kong ang tahimik ni Yassie at patingin-tingin sa likod namin. "Ba't ang tahimik mo?" tanong ko. "Feeling ko kasi binabantayan nila yung galaw ko at tsaka yung kay Catherine, kahit 'kaw lang binabantayan nila, girl." Sagot niya habang patingin-tingin sa likod. "Ate Yassie, hiwalay na lang tayo kay ate," suggest ni Catherine. "Oo nga, may guards naman siya." Pagsang-ayon ni Yassie. "Alis na kami ah, sa kanila ka lang makipag-usap," at tumakbo na yung dalawa. "Uy!" tawag ko pero 'di sila lumingon.

"Bwisit, bigla na lang silang nang-iwan," bulong ko.

*End of flashback

"Alis na kasi," naiinis na utos ko sa kanila. "Hindi po pwede," sagot nung isa. Napakamot na lang ako ng ulo. "Kahit dun na lang kayo sa labas ng building," suggest ko pero hindi sila pumayag. "Lima na lang sasama sa'kin tapos yung iba sa labas, okay na ba yun?" nagkatinginan sila. "Sige po," sumama yung lima sa'kin including si men in black suit no. 1.

Pumasok na ako sa loob ng pool area kasana ang lima kong guards na magbabantay sa'kin. Bakit kasi kailangan may guards pa? Tsk.

"Take me into your eleven arms!" rinig kong wala sa tonong kanta ni Catherine habang inaayos ang sarili sa harap ng salamin. "Take me into your eleven arms?" tanong ni Yassie habang nag-aayos din ng sarili sa harap ng salamin. Lumapit ako sa kanila. "Yes, yung kanta ni Ed Sheeran na 'Thinking Out Loud,'" at kinanta niya na nga yung chorus ng kanta. Napatingin si Yassie sa'kin habang nakasalubong ang dalawang kilay niya.

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon