Chapter 9: N.A.

399 9 0
                                    

Chapter 9: N.A.

Jade's PoV

"Nakausap mo na yung president ng school? At okay lang ba talaga na lumipat tayo ng school?" tanong ko kay Lexie, habang nakatingala sa gate ng A.W.U., ang laki ng gate nila, sobrang yaman naman nung owner.

"Sabihin na lang natin, may connection ako. Hahahaha" sabi na eh, nagmana kay Alyssa ng ganyang side, seryoso na ang usapan pero tumatawa bigla, pero parang 'di na masiyadong ginagawa ni Alyssa yun.

"Ang galing mo talaga, girl," at eto naman si Yassie, bilib na bilib palibhasa kasi siya yung bunso saming apat.

Papasok na sana kami nang pigilan kami nung guard. "Hindi po kayo pwedenng pumasok," sabi nung guard habang nakaharang ang kaliwa niyang kamay. "I'm Alexie Caldwell, kaya papasukin mo kami," Woah, ngayon ko lang nakita magsalita si Lexie ng seryoso, puro kasi kabaliwan ang alam niya.

"Sorry po," at pinapasok na kami, nauuna maglakad si Lexie at kaming dalawa ni Yassie ay nasa likod niya.

"Ay Lexie, pa'no mo yun ginawa?" tanong ko, kasi nakakapagtaka naman talaga, yung sinusubukan ng pamilya namin na makipag-business partner hindi tinaggap ang offer namin. Pero pagdating sa pamilya ng Caldwell, tinanggap.

"Yun yung connection. Hahaha," nag-fake laugh ba lang kaming dalawa ni Yassie, napatingin ako kay Yassie na nakatungo at nakatingin lang ng diretso sa lupa.

Bakit ang tahimik niya ngayon?

Parehas kaya kami ng nararamdaman ni Yassie? Na parang may mali?

***

Alyssa's PoV

"AAAAAHHHH! ANG SAKIT---SH*T ANG SAKIT, ALYSSA!!"

"Papatayin kita, Nico! Anong gusto mong gawin ko sa'yo?!!" sigaw ko habang gigil na gigil sa pagsabunot kay Nico.

"Tama na ate!" at pinipigilan ako ni Catherine, pero 'di ako nagpapapigil.

"Kakatayin kitang bwisit ka!! Ibebenta ko talaga yung kidney mo!! O, kaya papakain kita sa leon at tigre ng magkalasog-lasog yung katawan mo!"

"AAAARRRAAAY!! SH*T, SH*T TAMA NA, ALYSSA!!"

"Sisiguraduhin kong puputok lahat ng ugat mo sa katawan!! Matatanggal lahat ng buhok mong bwisit ka, babalatan kita ng buhay, Hahahahaha," sigaw ko at natatawa pa ako ng nakakatakot,

"Ate, tama na," at hinila na ako ni Catherine papalayo, pero gusto ko pa siyang sabunutan. Pasalamat siya sabunot lang ginawa ko sa kanya, kung may nakita lang talaga akong kutsilyo rito, kanina ko pa 'yan sinaksak ng walang katapusan.

"Ate, pinagtitinginan na tayo oh," bulong sa'kin ni Catherine, 'buti na lang onting tao lang nandito, likod kasi ito ng isang building na hindi ko pa alam ang name.

"Wala akong pake,"

"I will spare your life for now, Nico. Basta magpaliwang ka lang about sa bwisit na leather jacket na 'yon." sabi ko habang hingal na hingal, binuhos ko yata lahat ng problema ko sa kanya.

"Woah, ang dami mong hibla ng buhok sa kamay," sabi nung spade daw. At napahawak bigla sa ulo si Nico. Napatingin naman ako sa mga kamay ko, ang dami nga. Hehehe

"Pa'no na 'to?" sabi niya habang nakatingin sa'kin. "It's your problem, magpaliwanag ka na," sabi ko ng seryoso. "No, hindi ako mage-explain hangga't wala kang nagagawang solusyon sa buhok ko, ang dami mo pa naman nakuha, aish!" sabi niya at hinihimas ang buhok niya.

My Life With a WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon