"Hmpfff... Walang forever." Buntung-hininga ang narinig mula kay Jordan habang naglalakad sa gilid ng Shopwise, Cubao.
Bakas sa mukha ni Jordan ang pagkadismaya matapos makita ang kanyang partner na may kasamang umiinom sa Starlites.
"Di naman siya kawalan di ba?" mahinang bulong nito sa sarili habang pumapara ng taxi.
Nung may pumarang taxi, agad itong sumakay.
"Manong, sa may Lifehomes, Pasig po. Atis Street." Tumingin ang taxi driver sa rear mirror at tumango.
Si Jordan ay 24 na taong gulang, may tangkad na 5'10, medyo may kapayatan ang pangangatawan pero maaaninag mo na firm ang kanyang muscles. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Telus, Cubao bilang Back Office Support Associate. Maganda ang kilay ni Jordan. Makapal at maitim. Bagay na bagay sa kanyang bilugang mata. Kadalasang pinagkakamalan na may doll eye contact lense.
"May problema ka ba, sir?" banayad na tanong ng taxi driver matapos na mapansing panay ang buntong hininga ni Jordan.
"Ah, wala kuya... May di lang magandang nangyari..."
"Ganun ba? Pauwi ka na ba? Kasi kung pauwi ka, di magandang dinadala sa bahay ang mabigat na kalooban..."
Nanahimik si Jordan na tila baga naiinis. Tumingin ito sa bintana ng taxi na para bagang malalim ang iniisip nang biglang tumunog ang cellphone nya. Nag text ang kanyang boyfriend. "Nhie, sorry late ako makakauwi. Pinag OT kasi kami ni TL. Nakakahiya naman kung hindi ako mag-o-OT. Love you."
Hinawakan nya ng mahigpit ang kanyang cellphone at akmang ibabato nya ito. Alam nyang kasinungalingan ang nabasa nyang text. Pinigilan nya ang kanyang sarili at bigla na lamang siyang napaluha.
Di na nya namalayan na nakarating na pala ng Lifehomes ang kanyang sinasakyan. "Sir, dito na po tayong Atis St., san ba kayo dito?" tanong ng taxi driver.
"Dun po sa pang apat na bahay... Yung may poste." sagot ni Jordan.
Pagdating ng bahay, dali daling dumiretso sa banyo si Jordan upang maligo. Hinubad nya ang kanyang t-shirt, pantalon at underwear at nagsimula ng magshower. Habang tumutulo ang tubig, bigla syang napakanta...
"Paano bang magmahal, palagi bang nasasaktan. Umiiyak na lang palage........" Tuloy pa nya.. "Haaaaayyy... May hangover pa yata ako sa pelikula ni Ate Sarah at Papa Piolo. Bakit kasi yun pa pinanood namin nung weekend eh."
Matapos nyang maligo, ay humiga na sya ng kama nang boxer lang ang kanyang suot.
"Itutulog ko na lang toh... Oo 2 years nga kaming mag boyfriend pero bakit ganun ganun na lang kung manlamig sya sa akin." bulong nito sa sarili.
Muling tumunog ang kanyang cellphone at binasa ang message na dumating. "Nhie, pagod na ako, baka dito na lang ako sa sleeping quarters sa office matutulog. Pasensya ka na ah. Bawi ako sayo sa off ko."
Halo halong mga bagay ang umiikot sa isip ni Jordan. Hindi nya alam kung maniniwala sya o hindi. Pero di nagsisinungaling ang mga mata nya... Dahil sa isang dating clanmate na nagtext na nakita nya ang bf ni Jordan sa Starlites, pumunta doon si Jordan kanina at nakita nga nya ang kanyang partner na may kasayaw sa dance floor at pareho silang naka topless.
"Haaaaaaay... Imposibleng nasa trabaho siya. Siya talaga yung nakita ko kanina eh." bulalas ni Jordan.
Niyakap nya ang dalawang unan sa kanyang tabi at ipinikit ang mga mata habang umaasang sana bukas ayos na ang lahat.
"Good morning!! Bangon na."
Isang matinis na boses ang gumising kay Jordan. Isang lalake ang pumasok sa apartment nina Jordan at may dalang pagkain. Hinila ng lalake ang kumot ni Jordan at nang marealize nito na walang suot si Jordan, dalian nyang ibinalik yung kumot.
"S-s-sorry tropa. Malay ko bang nakahubo ka." wika ng lalaki.
"Gago ka talaga, Drew! Alis ka nga jan." sagot ni Jordan.
"Dinalhan kita ng Fried Rice, Tropa. Dali na kain ka na."
"Wala akong gana eh." tugon ni Jordan.
"Si Raven na naman ba?" tanong ni Drew.
"..." sagot ni Jordan. Ngumiti si Drew at nagwika,
"Ayos lang yan. Mahal mo sya di ba? Ayos lang na magpakatanga...."
Napangiti si Jordan, "tara na nga, kaining na natin Fried Rice mo."
BINABASA MO ANG
Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]
RomanceUmiikot ang mundo sa araw... Bawat anggulo ng kanyang pag-ikot ay nagtatakda ng pagbabago ng panahon. Bawat panahon ay nagpapakita ng iba't ibang katangian. Bawat katangian ay pare-parehong may mabubuti at masasamang dulot sa mundo. Ako si Jordan...