Part 2: Autumn Equinox

72 0 0
                                    


"Teka nga tropa. Matanong nga kita. Ano na nga ba status nyo ni Raven?" tanong ni Drew kay Jordan habang kinakain nila ang Chinese fried rice na dala niya.

"Ewan ko ba, Drew. Parang kami pero hindi kami. Alam mo yun?" tugon nito.

"Mahirap yan, tropa. I suggest timabangin mong mabuti. Then make a decision."

"What do you mean, Drew?" muling tanong ni Jordan.

"Tropa, kelangan kasi fair ka din sa sarili mo. Baka nasasabi mong mahal mo sya kasi nasanay ka na na magkasama kayo. If that's the case, hindi na yan love. Dependency na lang. Kita mo naman na kinaliwa ka na nya di ba?" paliwanag ni Drew.

Tumahimik si Jordan at sumubo. Alam ni Drew na malungkot ito kaya't nagtangka siyang baguhin ang topic.

"Masarap ba niluto ko?" tanong ni Drew.

Tumango lang si Jordan at nanatiling tahimik.

Si Drew ay ang kapitbahay ni Jordan. Nung bagong lipat pa lang si Jordan at Raven sa apartment nila, madalas nilang nakakausap si Drew kapag nagpapahangin sa labas. Ulila na si Drew. Bagamat ganun ang sitwasyon, masipag at maabilidad si Drew. Sa edad na 22 years old, siya na ang bumubuhay sa dalawa pa nyang kapatid. Isa siyang store manager sa Mang Inasal, Robinson's Galleria. Bukod pa dun, halos yata sinalihan na nya lahat ng pyramiding group na meron. Hindi katangkaran si Drew. Halos 5'5" lang siya at kadalasang pinagkakamalang teenager pa.

Madalas, pag may sobra sa mga niluluto nya, hinahatiran nya ng ulam sina Raven at Jordan. Medyo may punto ng pagka Bicolano ang pagsasalita ni Drew. Lumaki siya kasi sa Bicol. Pilipinong Pilipino ang kanyang kulay at katangusan din ang kanyang ilong.

Matapos kumain ay nagpaalam na si Drew. Dahil sa hilig ni Jordan sa pagbabasa ng mga trivia sa internet, binuksan nya ang kanyang Ipad at nagsearch ng random trivia.

"Autumn Equinox - eto ang panahon kung saan pantay ang araw at gabi." sabi ng Wikipedia.

"Yun pala tawag dun... dalawang araw lang sa buong taon nangyayari ito." mahinang bulong nya sa sarili.

Bigla na lamang nyang naalala ang sinabi ni Drew kanina habang kumakain. "Timbangin mabuti?" "Pantay ang araw at gabi?" Yan ang mga salitang tumatakbo sa isip ni Jordan.

Saglit pa ay bumukas ang pintuan. Pumasok si Raven, ang boyfriend at live-in partner ni Jordan.

"Hi Nhie!" bulalas ni Raven.

Tahimik lang si Jordan.

"Grabehan sa work! Nakakapagod talaga." tuloy pa ni Raven.

Tuloy ang pananahimik ng kasintahan.

"Uy tamang tama! Mag sinangag. Ikaw ba nagluto, nhie? Gutom na ako eh."

Si Raven ang two-year live in partner ni Jordan. May katangkaran si Raven at maganda ang pangangatawan. He takes 1-2 hours a day going to the gym. Very fond si Raven sa mga plain earth colors so normally, two tones lang ang kulay ng kasuotan nya. May hikaw sa kaliwang tenga si Raven and kulay ash gray ang kanyang buhok.

Big fan siya ni L ng Deathnote so kadalasang buhaghag lang ang hairstyle. Kadalasang fit din ang suot kaya lalong na-e-emphasize ang kanyang chest. Nakabraces din si Raven. Pag napapansin nyang may mali sa itsura nya, madalas siyang maconscious.

Sikat din sa LGBT si Raven at madami siyang follower sa Facebook. Madalas kasi, nagpopost sya ng mga topless photo sa facebook.

Magkaganun pa man, proud sya na pinalitan ang status nya sa facebook na "Married to Jordan De Castro."

Bukod sa pagseselfie at pagsesexy dance, walang ibang talent si Raven.

"Nhie, wala ka na namang imik." bulong ni Raven sa kanang tenga ni Jordan habang ibinababa nito ang kanyang kamay mula sa balikat ni Jordan papuntang siko.

"Nakita kita sa Starlites kagabi." wika ni Jordan.

"Ah nag-aya kasi mga officemates ko after shift." tugon ni Raven.

"Dalawa lang kayong magkasama." tuloy ni Jordan.

"Umalis na kasi yung iba kaya siguro kami lang nung lalaki kong officemate ang nakita mo."

"Nagsasayaw kayo parehas ng topless. Harapan. Nagkikiskisan pa nga kayo ng crotch eh." bahagyang tumaas ang boses ni Jordan nung sabihin nya yun.

Nanahimik ng saglit si Raven. Mula sa pagkakahawak siya sa siko ni Jordan, dahan dahan siyang yumakap sa kasintahan.

"Alam mo namang ikaw lang mahal ko eh..." sabay nito ay humalik sa batok ni Jordan ni Raven.

Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon