Part 6: Winter Melt

56 3 1
                                    

It's weekend.


Matapos gumising ang lumabas si Jordan sa kanyang apartment upang bumili ng palabok.


"Hi boyfriend, good morning." sigaw ni Drew mula sa kabilang bahay.


"Huy! Ang ingay mo! Anu ka ba? Nakakahiya. Tsaka anong boyfriend? Di tayo noh?" sabad ni Jordan. "Teka, di ba sabi mo magpanggap tayo na tayo? Ginagawa ko lang naman napagkasunduan natin ah?" tugon ni Drew.


"Sinabi ko ba yun? Ok sige! Pero walang contact ah?" tuloy ni Jordan.


"Panu magiging makatotohanan kung walang akbayan, walang holding hands, walang sweet moments? Walang maniniwala sa atin nyan. Tsaka hello, parang buong barangay naman alam na magjowa kayo ni Raven dati. Wag mo nang itago na bakla ka." paliwanag ni Drew.


"Hindi ako bakla ok? Bi ako."


"Ok, sige. Bi na kung bi. Anong tagalog ng bi? Di ba bakla din?" Pabiro ni Drew.


"Tumigil ka na nga jan!"


Pagdating sa bilihan ng almusal...


"Pabili nga pong palabok." wika ni Jordan.


"Tsaka po isang pancit tsaka dalawang lumpiang shanghai." dagdag ni Drew.


Inabot sa kanila ng tindera ang pinamili at nagwika ito ng, "Hindi mo yata kasama si Raven ngayon, Jordan?"


"Naku Aling Nelly, wala na po kami." tugon ni Jordan.


"Ganun ba? Sayang naman." wika ni Aling Nelly.


"At ako na po ang bagong boyfriend ni Jordan." sabat ni Drew.


"Totoo ba yun Jordan? Ambilis mo namang magpalit." paglilinaw ng tindera.


"Ahh... Eh... Opo..." nag aalangang sagot ni Jordan.


"Ang lagay po nyan eh matagal ko na syang gusto. Kaya nung malaman kong wala na sila ni Jordan e sinamantala ko na ang pagkakataon." muling sabat ni Drew.


"Nako, kesahodang matagal ka nang may gusto sa kanya Andrew, eh ganun ganun ka na lang susunggab dahil hiwalay na sila ng boyfriend nya... "


"Ah Nelly, mauna na kami. Baka malamig na kape namin sa bahay." sabi ni Jordan.


Sabay nun ay nagsimulang maglakad ang dalawa patungo sa apartment ni Jordan. Pagdating, isinalin ang mga pagkain sa plato at nagsimula na silang kumain.


"Ayaw ko ginawa mo kanina, Drew." naiinis na salita ni Jordan.


"Chill lang. Sorry na ok? Di ko na uulitin, boyfriend."


Matapos kumain, hinugasan na ni Drew ang pinagkainan nilang dalawa. Then, nagpaalam na siya.


"Boyfriend, uwi na muna ako. Daanan kita mamayang 5pm ah? Bihis ka ng pang alis." paalam ni Drew.


"O sya sige na. Uwi ka na. Baka hanap ka na ng mga kapatid mo." sagot ni Jordan.


Nakinig ng music si Jordan at naglinis ng bahay. Matapos ay naglaba at naidlip...


RRIIIIIIiINNNNNGGGGGG!!


Malakas ang tunog ng cellphone alarm ni Jordan. Alas kuwatro na pala ng hapon. Maya maya pa ay binuksan na nya ang closet at humanap na bg isusuot.


"Ah bahala na. Magpapambahay na lang siguro ako." iritang sagot nya.


Matapos nito ay naligo na sya at nagbihis. Eksakto alas singko ay kumatok na si Drew. Laking mangha ni Jordan pagbukas nya sa pinto. Pormadong pormado si Drew habang si Jordan naman ay nakapambahay lang.


"Anung meron, Drew?" nalilitong tanong ni Jordan.


"Ahm, Jordan, naisip ko kasi na kahit nagpapanggap lang tayong magjowa, e ayain kita magdate. Don't worry. Sagot ko. Nood lang tayong sine." paanyaya ni Drew.


"Ahm sige ba! Teka nakakahiya naman sa suot mo. Magpapalit lang ako." wika ni Jordan.


Nag antay sa sala si Drew habang nagpalit ng suot si Jordan.


Matapos ay nagtungo na silang Megamall. 


Pagdating ng Megamall ay agad tinignan ng dalawa ang schedule sa sinehan.

"Eto, Antman! Gusto ko yan." wika ni Jordan.


"As you wish, prinsesa." tugon naman ni Drew.


"Tigilan mo nga pagtawag sakin ng prinsesa. Baduy ka Drew." iritang sagot ni Jordan.


Mula sa likuran ng pila ng ticket ay naaninag ni Jordan si Raven.


Nilapitan sila ni Raven.

"What is the meaning of this, Jordan? Wala pa tayong 1 week na break pero may bago ka na? Kapit bahay pa natin. Ang lalandi nyo." sabi ni Raven.

"Wag mo akong sabihang malandi dahil ikaw, tayo pa, may Alex ka nang kinakalantari." sagot ni Jordan.


"Fuck you!!" galit na sigaw ni Raven.


Nagtinginan mga tao sa kanila.


"I'm sorry. If you wanna fuck me, you have to fall in line. Madaming nakapila." tugon ni Jordan habang lumalakad papalayo kasama ni Drew.


Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon