"I guess I really have to move on and find the courage to tell him na hindi na ako masaya." bulong nya sa sarili nya.
Matapos ng kanyang trabaho ay nagmadali na itong umuwi. Kelangan abutan nya si Raven para masabi nya ang tunay na nararamdaman nito. Pagdating sa bahay ay inabutan nya ang kasintahan na kumakain.
"Nhie, ikaw pala... Bumili akong lechon manok. Halika kain ka. Paghain na kita. Alam kong pagod ka sa trabaho." pag iimbita ni Raven.
"Bakit ganito? Bakit ang sweet nya pa din sa akin kahit na niloloko lang nya ako," isip ni Jordan.
Pinaghanda ng pagkain ni Raven si Jordan.
Sa pagkakataong ito, nakasuot ng sandong pula si Raven at boxer shorts.
Sa pagkuha nya ng kanin sa kaldero, nasisipat ni Jordan ang biceps nito. "Hindi ko kaya.... Di ko sya kayang mawala." bulong ni Jordan sa sarili.
Pero napagtanto tanto ni Jordan na kailangan nya na itong gawin dahil hindi na maganda ang estado ng relasyon ng dalawa.
"Raven, this is not working for us anymore." banggit ni Jordan.
"Nhie, what do you mean?"
"Alam kong kinakaliwa mo ako... Alam kong you are flirting with other guys!"
"Ha? No. I don't do such a thing."
"I saw you with another guy! You were dancing with him half naked! I picked up the phone call you got kaninang umaga from Alex."
"So, what do you want? You're breaking up with me?"
"I'm sick and tired of your infidelity! Yung self esteem ko sobrang nadown! Araw araw tinatanong ko kung anong kulang sakin? Anung mali sakin? Alam mo yun?!"
"Sayo naman ako umuuwi ah? Why do you doubt my feelings?"
"Sakin ka nga umuuwi pero di naman akin ang puso mo. Umalis ka na dito na bahay. Umalis ka na sa buhay ko. Kaya ko mag isa."
"You'll regret this, Jordan. You'll regret this. Ako lang nagmahal sayo ng ganito katagal."
"Just leave! Please just leave."
Kinuha ni Jordan ang isang malaking bag at ibinato ito kay Raven. Maluha luhang nag iimpake ng damit ito.
"Kasalanan mo lahat ito, ngunit pinatawad kita sa mga ginawa mo noon." naluluhang wika ni Raven.
"Pero lantaran mo na akong niloloko Raven."
Tinapos ni Raven ang pag-iimpake ng damit at dahan dahang lumabas sa pintuan ng bahay.
"I love you, Nhie....." mahinang wika nito.
"I love Me!" pasigaw na tugon ni Jordan.
Matapos nun ay humiga si Jordan sa kama at humagulgol. Masakit para sa kanya ang makipaghiwalay sa taong mahal mo ngunit minsan kelangan mahalin mo ang sarili mo higit sa iba.
Nang mag gabi na, lalong nakaramdam ng lungkot si Jordan. Ang kadalasang malamig na gabi ay lalo pang lumamig. Ibinalot ni Jordan ang sarili sa kumot. Hindi na nga siya nakakain ng hapunan.
Samantala, si Raven ay umuwi sa bahay ng kanyang magulang sa Meycauayan. Bakas din sa mukha nito ang pagkalungkot. Pagkauwi sa bahay ng mga magulang ay nagshower ito.
Ang bawat patak ng tubig mula sa shower ay parang mga tipak ng yelo na tumatama sa katawan ng binata. Dahan dahang sumabay ang pagluha nito...
Sa apartment naman ni Jordan, hindi na nya namalayang nakatulog sya sa pag-iyak nya.
Samantala sa bahay nina Raven, matapos nitong maligo ay umupo sa kanilang sala. Napansin ng mama ni Raven ang pasanin ng anak.
"Nak, anung problema?"
"Ma, wala na po kami. Gusto nyang baguhin ko ang maraming bagay tulad ng pag gimik at pag-inom. Di ba po pag mahal mo ang isang tao, dapat tanggapin mo kung ano sya at wag syang baguhin?" tanong ng anak.
"Jan ka mali anak... Ang totoong nagmamahal, dapat marunong tumanggap ng pagbabago lalo na kung ito'y makakabuti sa kanya. Katulad ng isang magulang na papagalitan ang anak pag mali ang ginawa, dapat ganun din ang isang mabuting partner."
Matapos noon ay niyakap ni Raven ang kanyang ina...
BINABASA MO ANG
Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]
Storie d'amoreUmiikot ang mundo sa araw... Bawat anggulo ng kanyang pag-ikot ay nagtatakda ng pagbabago ng panahon. Bawat panahon ay nagpapakita ng iba't ibang katangian. Bawat katangian ay pare-parehong may mabubuti at masasamang dulot sa mundo. Ako si Jordan...