Part 8: Spring Flowers

45 1 0
                                    


Napagkasunduan ng dalawa na umakyat sa Baguio the following weekend.

"Wisheart?" patanong na wika ni Jordan habang sila ay nakasakay ng bus patungong Baguio.

"Oh bakit Wisheart? Anu po yun?" tugon ni Drew.

"Selfie naman tayong dalawa." mungkahi ni Jordan. Ang selfie na iyon ay inupload sa facebook. Matapos ang 30mins, 67 friends na nila ang nag-like sa inupload na picture.

Pagdating sa Baguio ay agad nagtungo ang dalawa sa kanilang transient house. Maganda ang kanilang napiling lugar dahil sa tawid lamang ito ng Botanical Garden, sa may Navy Base.

"Well, andito na ang magsisilbing tahanan natin sa dalawang araw." sabi ni Drew.

Pagkaayos ng mga gamit ng dalawa ay agad na lumabas at nagtungo na sa sakayan papuntang Mine's View Park.

"So how do you feel?" tanong ni Drew.

"Nakakalimutan ko na mga problema ko, wisheart. Salamat ah." tugon ni Jordan.

"Buti naman wisheart. I'm glad nakakatulong ako na gumaan loob mo." muling tugon ni Drew.

"Sobrang naaappreciate ko po talaga ginagawa mo sakin." wika ni Jordan.

"Sayang nga lang kasi ginagamit mo ako para saktan ang ex mo. Sayang nga lang pagpapanggap lang lahat ng ito."

"Hahaha. Ayos lang yun! Deserve nung hayop na yun na masaktan." panggigigil ni Jordan.

"Oh andito na tayo. Para po manong." sabi ni Drew.

Pagbaba sa Mine's View ay nagtungo ang dalawa sa viewing deck.

"Ang ganda naman dito!!!!" bulalas ni Jordan.

"Tara pakuha tayo ng picture! Kuya, kuhanan no kami ng picture!" tuloy ni Jordan habang tinawag ang lalaking dumadaan.

"Lika dito wisheart!! Lapit ka pa... kunwari yayakapin mo ako." utos ni Jordan.

Masaya ang naging pamamasyal nila buong araw. Madaming pictures nila ang inupload na sa facebook. ...mga litrato na akala ng karamihan ay nagpapakita ng tunay na saloobin ng dalawa. Habang naglalakad ang dalawa sa Botanical Garden ay dahan dahan pumatak ang ulan.

"Lumuluha na naman ang langit..." wika ni Jordan.

"Oo nga eh." tugon ni Drew.

"Ayaw ko talaga ng ulan... Nakakainis. Magpuputik na naman." sabi ni Jordan.

"Sabagay... Pero para sakin, ang ulan... nililinis nya ang mundo. Pinapaganda nya lalo ang mga bagay.... Halika rito wisheart... Tignan mo itong mga bulaklak." paanyaya ni Drew.

Namangha si Jordan sa kanyang mga nakita... "Huwaw!!! Ang gaganda ng mga rosas!! Ang titingkad ng mga kulay nila dahil sa tubig ulan." gulat na pahiwatig nito.

"Wisheart, minsan kasi, yung akala nating di nagdudulot ng maganda at mapaminsala, yun din ang naglalabas ng kagandahan ng isang bagay... yun bang 'it brings out the best in you.' Kaya si Raven?? Para syang ulan. Yung break up nyo? Lalong nagpatingkad sayo.... Lalo kang mamukadkad dapat." tuloy pa ni Drew.

"Ang haba ng paliwanag mo ah... Medyo lumalakas na ang ulan. Kelangan na nating sumilong wisheart." nagmamadaling wika ni Jordan.

Hinawakan ni Jordan ang kamay ni Drew at masayang tumakbo patungo sa mga gazebo upang magpatila ng ulan.

Pagdating sa gazebo ay nagkatititgan ang dalawa. Mukhang nailang si Drew at nagpaalam na may kukunin lang saglit. Pagbalik nito, may dala syang tangkay ng rosas.

"Red rose?" tanong ni Jordan.

"Oo. It means I love you..." wika naman ni Drew.

"Thanks!" "Sure. It's my pleasure."

Matapos nun, naaninag ang flash ng cellphone camera.

"Bakit mo ako biglang kinuhanan ng picture? Basang basa pa naman ako ng ulan." galit na salita ni Jordan.

"Yung ngiti mo kanina, wisheart? That was priceless. Gusto ko siyang i-preserve. Tsaka naaalala mo sinabi ko tungkol sa ulan?"

"Oo, na pinapaganda nya ang mga bagay?"

"Yes. Though you are wet, you are beautiful than ever, Jordan."

Matapos ay nagkangitian ang dalawa at nagdesisyon nang umuwi sa transient home.

Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon