Damang dama ni Jordan ang mainit na katawan ni Raven. Lalong hinigpitan ni Raven ang pagkakayakap niya sa kasintahan.
"Ewan ko ba, pag niyayakap ako ni Nhie, parang nawawala galit ko sa kanya," isip ni Jordan.
Dahan dahang umupo ang dalawa sa kama at patuloy na niyakap ni Raven si Jordan. Maya maya pa ay inilapit ni Raven sa tenga ni Jordan ang kanyang mga labi at bumulong.
"Mahal kita, Nhie..." Ultimo malamig na tubig na gumuhit sa mga ugat ni Jordan ang mga salitang sinambit ni Raven. Napapikit si Jordan at humawak sa batok ng kanyang iniirog.
Matapos ang ilang sandali, humiga na ang dalawa. Hinuban ni Raven ng dahan dahan ang sandong suot ni Jordan habang hinahalikan ito sa labi.
Tinumbasan ito ni Jordan hanggang sa magkalapat na ang hubad na dibdib ng dalawa. Sa mga sandaling iyon, ang dalawa ay nakaramdam ng pag-iinit sa bawat isa.
Matapos ng mga maiinit na sandali, agarang nakatulog na si Raven.
Si Jordan naman ay nagtungo na sa banyo upang maligo. Habang naliligo, napabulong ito sa kanyang sarili, "Maybe he loves me."
Handa nang kalimutan ni Jordan ang kanyang mga nakita. Maya maya rin ay may pasok na ito sa trabaho kaya't nagmadali na ito sa paliligo.
Matapos maligo ay nagtungo na sa kwarto upang magbihis nang mamalayan nyang may tumatawag sa cellphone ni Raven na nakalapag lamang sa tabi nya. Unknown number ito. Instead na gisingin ni Jordan si Raven ay sinagot na lamang nya ito.
"Hello, sino ito?" mahinang sagot sa telepono.
"Hi. Hulaan mo..."
"Ahm hindi ko alam eh."
"Nakalimutan mo na agad, Raven? Si Alex ito. Yung kasayaw mo kagabi sa Starlites. Binigay mo sakin number mo di ba?"
Nanahimik si Jordan.
"Hello?" tuloy ni Alex.
"Anjan ka pa ba?" wika muli nito.
Napaluha si Jordan sa kanyang narinig. Gusto nyang sumigaw... Di mawari sa isipan nya kung ano ba ang naging pagkukulang nya para gawin sa kanya ito ni Raven.
"Anung mali sakin? May kulang pa ba sa mga binibigay ko?" sambit nito sa kanyang sarili.
Saglit pa ay nagbihis na ito at lumabas na ng apartment para magpunta sa opisina. Akma namang paglabas niya ay lumabas na din si Drew sa kanilang bahay at kumaway.
"Papasok ka na ba? Pasabay ako." sigaw ni Drew.
Tumango lamang si Jordan.
Naglakad ang dalawa sa kahabaan ng Lifehomes Subdivision papuntang Ortigas extension upang sumakay. Napansin ni Jordan na nalalagas na ang mga dahon ng Acacia na malapit sa kanilang bahay.
"Kawawa naman ang puno... Iniiwan na siya ng mga dahon niya." bulalas ni Jordan.
Ngumiti si Drew at pansamantalang tumigil aa paglalakad. Tumingala ito at minasdan ang mga dahon.
"Bakit ka huminto?" tanong ni Jordan sa kapitbahay nyang si Drew.
"Tingala ka lang saglit." tugon ni Drew.
Tumingala si Jordan at nagtanong si Drew, "anong nakikita mo?"
"Mga dahon... Malulungkot na dahon na nahuhulog mula sa puno..." sagot nito.
Muling ngumiti si Drew at ngayo'y ibinaling ang tingin kay Jordan. "Siguro nga, malungkot ang mga dahon dahil nahihiwalay na sila sa puno. Pero sabi nga nila, kaya nalalagas ang mga dahon para mapalitan ng bago at masisiglang dahon. Gaano man kalungkot ito sa puno, I'm sure may mga bagong dahon na uusbong jan at magbibigay muli ng berdeng kulay jan sa puno..." paliwanag ni Drew.
Matagal na natahimik habang nagkatitigan ang dalawa.
Nabasag lamang ang katahimikang iyon nang magsalitang muli ni Drew, "Perhaps, emptiness in the heart is similar to that."
"Ahahaha!! Ang serious ko masyado noh tropa?? Hahahaha. Tara na!! Mahirap ng sumakay maya maya." patawa ni Drew.
Binagtas ng dalawa ang kahabaan ng Atis Street ng may ngiti s mga labi.
"Drew, salamat ah?" mahinang winika ni Jordan.
"Walang anuman, Tropa." tugon naman ni Drew....
Hindi man tuluyang sinabi ni Jordan na naliwanagan siya sa sinabi ni Drew, maaaninag sa kanyang mukha na mas maaliwalas na ito. Marahil ay alam na nya ang gagawin.
Pagdating sa opisina, tinanggal nya sa desk niya ang mga picture nila ni Raven. "Kaya ko toh!" isip ni Jordan.
BINABASA MO ANG
Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]
RomanceUmiikot ang mundo sa araw... Bawat anggulo ng kanyang pag-ikot ay nagtatakda ng pagbabago ng panahon. Bawat panahon ay nagpapakita ng iba't ibang katangian. Bawat katangian ay pare-parehong may mabubuti at masasamang dulot sa mundo. Ako si Jordan...