Part 10: Summer Scorch

48 2 0
                                    

"I want him." mahinang wika ni Jordan.

"I really really want him. I already fell for him." tuloy pa ng binata.

Tumayo si Jordan mula sa pagkakahiga. Kinuha nya ang kanyang telepono at nagtext sa kanyang boss.

"Ma'am, nilalagnat po ako, hindi ako makakapasok." sabi sa text nya.

Matapos maisend ang text message, umupo ito sa may kusina at nag-isip.

"Ayoko na talaganag pakawalan siya. Yung pagkukunwari naming magjowa for the past 29 days, nakita ko kung anong klase syang tao." bulong nito sa sarili.

Kumuha ito ng ballpen at papel at nag-isip.

"I swear I will only fall in love with this person twice. First time is the guy he is now, second will be the guy he will become after tonight." tuloy pa nito.

Matapos ang matagal na pag-iisip ay nakagawa na ito ng plano. Isinulat na nya lahat ng dapat nyang gawin at bilhin.

Matapos, kinuha nya ang kanyang telepono at tinawagan si Drew na kasalukuyang nasa trabaho na.

"Hello wisheart?"

"Oh! Wisheart! Napatawag ka?"

"Imbitahin sana kita ng dinner later, sa bahay lang. Magluluto ako."

"Ayos yan! May okasyon ba?"

"Ah wala naman! Di kasi ako nakapasok kaya ayun, maglilinis at magluluto na lang ako."

"Tamang tama, may sasabihin pala ako sayo." sabi ni Drew.

"O sige, kung anu man yun, sabihin mo na mamaya." tugon naman ni Jordan.

"Sige. Sige. Gotta go! Bye." paalam ni Drew.

"Bye din." sagot naman ni Jordan.

Matapos ay nagpunta na ng Robinson's Galleria si Jordan.

Dumating ang gabi at tapos nang maghanda si Jordan. Nagsuot sya ng long sleeves at slacks kahit nasa bahay lang.

Masyado syang naging conscious sa itsura nya. Eto na kasi ang araw na sasabihin nya kay Drew na mahal na mahal nya ito at kung pwedeng totohanin na lang nila ang kanilang pagpapanggap na maging magpartner.

Sa dingding ng sala ay gumawa ng collage si Jordan. Meron itong 30 pictures nilang dalawa in the past 30 days. Bawat picture ay may nakasulat na mga katangian na gusto niya kay Drew.

Sa mesa, may simpleng candle light dinner kahit ang niluto lamang na ulam ni Jordan at caldereta. Sa isang sulok ng mesa ay isang chilled bottle of red wine.

Sa dinner plate ni Drew, may nakapatong na magkakasunod na card board. Bawat cardboard ay may isang salitang nakasulat na pag pinagdugtong mo ay:

Will
You
Be
My
Happily
Ever
After
??

Hinanda ni Jordan ang bluetooth speaker at sinuguradong connected ito sa kanyang cellphone.

Higit sa lahat, isinaayos niya ang boquet of 12 red roses para kay Drew.

Maya maya pa ay may kumatok na...

Napalunok sa kaba si Jordan. Kinuha ang bulaklak at hinawakan sa kaliwang kamay na itinago naman niya sa likuran nya.

Lumapit sa pintuan at hinawakan ang cellphone at nagplay ng tugtog via the bluetooth speaker.

Ang tugtug ay "Marry Me" by Train.

Kahit pinangungunahan ng kaba ay naglakas loob syang buksan ang pintuan.

"Hello." bungad ni Drew kay Jordan.

"S-s-sino yang kasama mo, Wisheart?"

"Ah si Dane nga pala, girlfriend ko." pakilala ni Drew sa babaeng kasama. Sabay nito ay bumalikwas sya sa kasintahan at nagsalita. "Babe, sya yung kinukwento ko sayo sa kaibigan ko. Yung nagpanggap kaming mag-bf para pagselosin ex nya." tuloy ni Drew.

"Hi Jordan. It's nice to finally meet you in person. Don't get me wrong ah... I know naman na kunwarian lang yung sa inyo ni Drew. I just insisted na makilala ka."

Hindi nakaimik si Jordan. Matapos ang ilang segundong katahimikan ay biglang isinara ni Jordan ang pintuan, tumakbo tungo sa kwarto at nagtalukbong sa kumot nito.

Mula sa labas, maririnig ang sigaw ni Drew...

"Tropa! Jordan! Anung nangyari?? Ayos ka lang?"

Nagbingi-bingihan si Jordan sa mga naririnig nya at habang nasa ilalim ito ng kanyang kumot, dahan dahang tumulo ang kanyang mga luha...

Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon