"Di mo na dapat ginawa yun sa ex mo." wika ni Drew habang papunta sila sa Cinema8.
"Yung makating yun? Buti nga, yun lang nasabi ko sa kanya eh." tugon ni Jordan.
Inakbayan ni Drew si Jordan at nginitian ito. Kalakip noon ay ang mga matatamis na salitang, "Hayaan mo na yun, unang date natin ito. Hahayaan mo bang masira? Kahit kunwa-kunwarian lang ito, sana maenjoy nating dalawa."
Gumanti ng ngiti si Jordan sa mga salitang narinig nya mula kay Drew. Matapos noon ay nanood na sila ng sine...
Sa kabilang dako...
"Babe, kanina ka pa tulala. May problema ba?" tanong ni Alex kay Raven.
"Wala ito... sorry." sagot ni Raven.
"Babe naman... tagal nating hinintay na maghiwalay kayo ni Jordan para maging official na tayo tapos sa first official date natin, matamlay ka pa..." tuloy ni Alex.
"Hmmm.... Have you placed my order? I wanted a Rosu 120g Katsu over brown rice and a bottomless Iced Tea." pagbabago ni Raven sa topic.
"Well, I guess you really don't want to talk about it. Sige, I'll back off muna" wika naman ni Alex.
Matapos ng dinner ni Alex at Raven, nagpaalam na ito sa isa't isa...
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Drew kay Jordan.
"Ayaw ko muna... kaso magsasara na Megamall eh." tugon naman ng isa.
"Alam ko na, dadalhin kita sa favorite hangout place ko. Pag pumupunta ako dun, talagang sobrang nakakalimutan ko pansamantala ang mga problema ko. Ayos lang ba sayo maglakad?" tuloy ni Drew.
"Ayos lang, anu ka ba? Tara na." paanyaya ni Jordan.
Naglakad na ang dalawa palabas ng mall tungo sa lugar na sinasabi ni Drew. Nang makaramdam ng pagod si Jordan, ito ay nagtanong.
"Malayo pa ba?"
"Actually, halos andito na tayo. Pikit mo mata mo, wag kang sisilip ah... Gagabayan kita san ka pupunta. Hahawakan ko kamay mo."
"Arte naman. May ganyan ganyan ka pang nalalaman. Sige na nga." pagtanggap ni Jordan.
"O ayan! Andito na tayo. Open your eyes! Surprise!!" sabi ni Drew.
Namangha si Jordan sa kanyang nakita.
"I didn't know such place exist!"
Sa gitna ng napaka busy na syudad ay isang lugar na balot sa damuhan. Presko ang hangin at napapalibutan ng mga kainan. May mga taong nakaupo sa damuhan habang nakatingala sa malaking LED screen na nagpapalabas ng mga maiiksing palabas.
"Ito ang Greenfield District." paliwanag ni Drew.
"Ang ganda naman dito, Nhie." sabi ni Jordan.
"Pakiulit?? Nhie ba narinig ko? Di ako si Raven." naiinis na sagot ni Drew.
"Sorry... Sorry... Tara hanap tayo ng mauupuan. Ayun!! Dun na lang, sa may ilalim ng puno." paanyaya ni Jordan.
"Sige, dun na nga lang tayo."
Nagtungo ang dalawa sa kung saan itinuro ni Jordan na gusto nyang umupo.
"Sorry talaga ah... Sana di kita na-offend." wika ni Jordan.
Ito ang unang pagkakataon na parang naging humble na si Jordan kay Drew.
"Wala yun, boyfriend." tugon ni Drew.
"Naisip ko lang, ang sagwa ng tawag mo sakin... ahmmm... since nagpapanggap naman tayong magjowa, dapat may tawagan na din tayo." mungkahi ni Jordan.
"Sige isip ako... how about Hon?"
"Panget, parang katuloy ay Nhie."
"Baby?"
"Hindi ako fanatic ni Justin Bieber."
"Mahal?"
"Anu ako? Si Mura? Isip ka iba."
"Love?"
"Nagkukunwarian lang, wag love."
"Eto pinag-isipan ko talaga ito.... Wisheart?"
"Sige, gusto ko yan, parang Wish plus Heart."
BINABASA MO ANG
Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]
RomanceUmiikot ang mundo sa araw... Bawat anggulo ng kanyang pag-ikot ay nagtatakda ng pagbabago ng panahon. Bawat panahon ay nagpapakita ng iba't ibang katangian. Bawat katangian ay pare-parehong may mabubuti at masasamang dulot sa mundo. Ako si Jordan...