"Bakit ko siya namimiss?" tungangang bulong ni Jordan sa kanyang sarili habang nakatitig ito sa kanyang computer sa trabaho.
"Hoy Mr. Villafuerte! Bakit hindi ka na naman nagtatrabaho at nakatunganga ka na naman jan sa monitor mo?"
"Ha-ah??? TL??? Sorry naman. May iniisip lang." tugon nito.
Sariwa pa sa kanyang ala-ala ang mga pangyayaring naganap nung isang gabi nang sila ay nasa Baguio pa.Hindi makalimutan ni Jordan ang mga maiinit na yakap ni Drew.
Marahil nga ay nadala lamang sila ng kanilang mga mapupusok na damdamin.Hindi nila sinasadyang, may mangyari sa kanila sa maiksing panahon na umakyat sila sa Baguio City.
****FLASHBACK****
"Maliligo na ako... Basa tayo sa ulan. Baka magkasakit tayo." wika ni Jordan.
"S-s-sige... Achooooooo.." tugon ni Drew.
Tinignan ni Jordan ang temperatura ng katawan ni Drew at para itong lalagnatin.
"Warm shower ka kaya?" paanyaya ni Jordan.
"Sabayan mo na ak-k-o... Nahihilo ako eh."
"Ha??? Sigurado ka ba jan?"
"Ayos lang sakin wisheart.."
Sinamahan ni Jordan sa pagligo si Drew. Mula sa likuran ay niyakap ni Jordan ang hubad na katawan ni Drew. Sa pagtatagpo ng kanilang katawan ay nakaramdam ang dalawa ng kakaibang init. Binuksan ni Jordan ang hot shower at unti unti itong bumuhos sa kanila...
Hinigpitan ni Jordan ang pagkakayakap kay Drew. Mula sa bewang, dahan dahang iginapang ni Jordan ang mga kamay tungo sa dibdib ng kanyang wisheart.Matapos maligo ay nagtungo na nag dalawa sa kanilang silid.
Ang mga sumunod na pangyayari ay lalo pang nagpatibay sa mga pagkalalaki ng dalawa.
Matapos ng maiigting na kaganapan ay...."S-s-sorry" sabay na wika ng dalawa.
"No I'm sorry... Hindi ako dapat na carried away." wika ni Jordan.
"Ginusto naman natin yun di ba?" tanong ni Drew.
"Forget it. Nagpapanggap lang tayong magjowa para pagselosin si Raven di ba? Ang nangyari sa atin tonight is just an act of lust. Nothing more, nothing less." paliwanag ni Jordan.
Natahimik si Drew at nagbihis na lang. Matapos ay humiga muli hanggang sa ito ay nakatulog na.
*****END OF FLASHBACK*****
Samantala, sa office ay iniisip pa din ni Jordan si Drew."Hindi ko makalimutan yung amoy nya nung mainit ang kanyang katawan..." bulong nya sa sarili nya.
Tila baga nagkakagusto na si Jordan kay Drew.
14 days na nakakalipas mula nung mapagkasunduan nilang magpanggap na magkasintahan.
"16 days na lang..." muli nitong bulong sa sarili.
Maya maya pa ay tumunog na ang cellphone ni Jordan. Nagtext si Drew."Susunduin kita after work, wisheart." sabi ng text.
Tila baga lahat ng hanap nya sa lalaki ay nasa katangian ni Drew. Hindi alam ni Jordan kung ano ang dapat nyang maramdaman.
"Hi." bati Drew nang makita si Jordan.
"Hello..." tugon nito.
"Kamusta work?"
"Ahm stressful as always pero ayos lang, sinundo mo naman ako eh." pakipot ni Jordan.
Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa habang pauwi.
"O pano? Pasok na ako sa bahay."paalam ni Jordan.
"Sige wisheart. Bye." tugon naman ni Drew.
Sa nalalabing 16 days ng kanilang kunwariang relasyon, madaming bagay pa ang kanilang nagawa. Bawat weekend ay nagpupunta sila sa iba't ibang lugar para narelax at makalimutan ang stressful na nakaraan ni Jordan.
Hindi na nila namalayan ang panahon hanggang sa..."Last day na pala namin ni Drew bukas." isip ni Jordan.
BINABASA MO ANG
Bitter-Sweet Rain [boyxboy][manxman][completed]
RomanceUmiikot ang mundo sa araw... Bawat anggulo ng kanyang pag-ikot ay nagtatakda ng pagbabago ng panahon. Bawat panahon ay nagpapakita ng iba't ibang katangian. Bawat katangian ay pare-parehong may mabubuti at masasamang dulot sa mundo. Ako si Jordan...