Chapter 4

182 3 0
                                    

From:”London

Sis, let’s meet up during break time. We are going to tour this campus.

 

Five minutes na lang malelate na talaga ako sa una kong klase. Hirap na hirap na talaga ako kung saan yang XXX building na yan na sa may harap daw XX Student Lobby No. 2. Agh! Sa sobrang laki ng campus na’to, maligaw ligaw na ako kakahanap. At parang halos lahat din hindi lang ako ay busy rin sa unang araw ng klase nila. Ayoko namang makaabala dahil.. parang wala ring may gustong magpaabala. Ibang iba siya sa highschool. Nakakapangiyak.

“Hayy.. nasaan na kaya ako?”

Naglibot libot ako sa buong campus. Nagbasa basa ng mga directions. Pero sa sobrang laki nito hindi ko pa rin naabutan ang una kong klase. Tapos nalate pa ako nung sumunod. Nakakahiya. But at the same time nakakatuwa.

Dahil ito yung university na pinapangarap ko. Finally talaga, estudyante na ako ng sikat na university na’to.

Nung nagbreak-time naisip ko agad na ibalita kay mama ang tungkol sa mga nangyari.

“Ah. s-sorry!” sabi ko dun sa babaeng nakabundol ko.

Pero mukhang hindi niya ako narinig at diretso lang ito sa paglalakad.

May mga taong napapatingin sakin. Nakangiti sila, syempre ngumingiti na lang din ako. Weird? Pero ganito lang talaga sadya sa simula.

Pumunta naman ako sa sunod kong klase. Nakakaiba talaga ang atmosphere. Kahit na okay naman yung mga professors. Yung mga kaklase ko. ibang ibang talaga sila. Lahat sila nagkakasundo at parang hindi na ako makasabay. Feeling ko na-a-out of place ako sa napakalaking lugar na’to.

Sigh.

Sinubukan kong contactkin si London pero nakalimutan ko nga palang magpaload. Kaya at the end of the day hindi ko rin naenjoy ang araw ko. I can’t even make friends.

Kaya dumiretso na lang ako sa bahay ni Tita pagkadismissal.

“Gumagawa ka pa rin ng mga ito?” agad kong tinanggal ang headphone ko at lumapit sa kanya para agawin yung folder ko.

“Ano ba!” naagaw ko din naman.

Kinabahan ako bigla.

“Hah! So hanggang ngayon yun pa rin ang libangan mo?” nakataas na kilay niyang  tanong. Tumango naman ako ng hindi tumitingin sa kanya at habang inaayos ang mga gamit ko.

Nandito kasi kami sa may salas.

“Mag-i-stay ka ba dito?” umiling siya. Parehas naman kaming napatingin sa may pinto.

Pumasok si Tita.

“ Hindi makakauwi si Ronald ngayon.” tumingin ulit siya sakin.

“Oh nandito na pala kayo.” Agad naman akong lumapit kay Tita at inalalayan siya sa mga dala niyang gamit.

Poison Love 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon