“Matagal mo ng alam na dito siya pumapasok?” napayuko ako.
Dahil isa pang tinatago ko kay London, ay yung tungkol sa panunuluyan ko sa iisang bubong kasama si JK. Sigurado mas magagalit siya pagnalaman niya.
Dahan dahan akong tumango.
Sinilip ko naman siya at nakita ko kung gaano siya nainis sa sagot ko. Alam kong galit na galit siya kay JK kaya nga ayokong ipaalam sa kanya ang tungkol dito.
“Kaya kong mag-explain.” I reach for his hand pero umiwas siya.
“Let’s just talk about it later. Or mayber.. someday.” Umalis naman siya.
Nakaramdam ako ng takot sa mga tingin na yun ni London. Alam ko nagtatampo siya at hindi lang basta pagtatampo, galit siya sa ginawa kong paglilihim.
Ilang beses ko siyang nicontact nung dismissal. I’ve been waiting for him for one hour sa nasabing lugar. Pero hindi siya nagrereply. Walang response. Ni-try ko naman na puntahan siya sa room niya pero hindi ko siya nakita. I’m losing hope.. nung—
“Genevieve!”
Nung makita ko siya sa may department namin.
“j-JK?” ngumiti siya.
“Sakto lang pala. Buti hindi ka pa nakakauwi.” Pinakita niya sakin yung phone niya. Binasa ko naman.
“Ah oo nga pala! Ngayon na ba? As in now na?” tumango siya.
“Nasa bahay na si Ronald. Gantihan natin siya! lagi na lang kasi na siya ang wala. This time tayo naman. Atsaka..” hinawakan niya ang buhok ko. THUMP!
“May gusto akong hairstyle.”
He smiled.
Iniwas ko naman yung mga mata ko sa tingin niya.
“Tara!” nung tumalikod siya. saka lang ako nakahinga.
Just now.. parang sasabog ata yung puso ko sa sobrang kaba. Bakit naman kasi ganon? Bakit ganyan siya? Kanina lang.. nung ngumiti siya pakiramdam ko talaga hihimatayin ako. nagblush siguro ako! nakakahiya..
Si JK.. ang gwapo gwapo niya..
Hindi ito pwede..
“Hindi ka ba susunod?”
“Ah! Oo! Papunta na!” agad naman akong tumakbo.
Hindi ako pwedeng mahulog ulit sa kanya. Nagdecide na ako na tanggapin na lang kung ano ba talagang relasyon namin. Ganon din naman siya. Matagal rin yun. Alam ko naman na kahit noon pa lang ramdam na niya na hindi ko siya gusto bilang isang kapatid. Kaya nga siguro ang cold cold niya sakin. Tapos ngayon.. ngayon na wala na yung tension sa pagitan naming dalwa. Ngayon na ang laki na ng pagbabago namin sa isa’t isa. Siguro naman.. dapat I just accept the favor.
BINABASA MO ANG
Poison Love 1
Teen FictionHaving zero relationship experience. Admiring and liking someone is like loving his/her personality. You'll get infatuated and eventually fall in love. But what really is forbidden? Why she/he can't?