Chapter 7

153 1 0
                                    

“Welcome!!”

Nagtaka naman ako na makita siyang papasok dito sa restaurant ni Tita.

“Hi.” Panandalian siyang tumingin sakin at nilagpasan din naman agad ako.

Tuwing weekends kasi magtatrabaho ako dito sa restaurant ni Tita paraan ko na rin para makabayad sa paninirahan ko sa bahay.  At kanina nga nagpaalam ako kay JK. Sabi rin niya na aalis siya pero hindi ko alam na dito rin pala siya pupunta.

“For Table 13.” Kumalampag yung bell. Agad naman akong lumapit dun at kinuha yung oder at binigay sa table number 13.

“What’s your oder mam and sir?”

Sobrang busy sa restaurant dahil siguro wala ngang pasok. Pero napansin ko lang na buong araw lang na nandun si JK. Ni hindi siya umaalis sa table niya. Minsan nga tumutulong siya sa pagdadala ng mga orders pero hindi talaga siya actually nagtatrabaho. Hindi naman niya kailangan yun dahil sustento pa rin siya ng tunay niyang ina.

Nung matapos rin akong magtrabaho niyaya naman niya akong magmall.

“Sir. Heto po maganda rin.”

Nginitian naman niya yung saleslady.

“Para po ba sa kanya sir?” tumingin sila sakin.

“h-Hindi!” iling na iling kong sabi. Ngiting ngiti naman si Jk.

Hindi ko alam kung bakit niya ako sinama sa pagmomall at bakit puro damit pambabae ang tinitingnan niya. Tinatanong niya ako kung maganda. Tapos kapag tatanungin ko siya nginingitian lang niya ako. Weirdo.

Hanggang sa napagod din siya at nagkayayaan na kaming kumain. Sa may foodcourt lang kami kumain. Libre pa niya ako.

“Anong gusto mo? Mustard o ketchup?” kinuha ko yung ketchup. Nung matapos kong lagyan bigla niyang inagaw sakin yung footlong ko.

Hinati niya ito. Pati na yung kanya tapos pinag-exchange niya yung kalhati. Magkaiba kami ng flavor ng hotdog pati rin ng sauce. Pero sa totoo lang tuwang tuwa ako sa ginawa niya.

I’ve never thought this thing can really happen in real life. Feeling ko tuloy close na close na kami. Hindi niya pa kasi nagagawa sakin ito noon. Kahit nga yung simpleng pagngiti man lang tinitipid niya noon. Pero ngayon talaga iba na.

Mas masaya pala yung ganito. As step-brother and sister, of course.

Hindi ko naman syempre nakakalimutan ikwento kay mama ang mga nangyayari sakin. Miss na miss ko na rin kasi si mama.

“Genie!”

“Harris?” ngiting ngiti siya habang nagkakamot ng ulo.

“You’re here?” hindi niya pinansin si London at nakatingin pa rin siya sakin. Hindi na nga naalis ang mga tingin niya sakin pati yung mga ngiti niya.

Poison Love 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon