Chapter 6

173 1 0
                                    

“Ano bang nangyayari?!” sinubukan kong punasan ang sarili ko ng sarili kong panyo. Kaso wala ding kwenta nabasa din ang panyo ko.

Nandito na kami ni JK sa bahay. On the way na siya pauwi nung makita niya akong tatakbo sa ulanan. Nakakahiya..

“Ah—“ nabigla naman ako nung bigla niyang ipatong sa ulo ko yung tuwalya.

Siya na rin mismo yung nagpunas sa basa kong buhok.

“Baka magkasakit ka.” Parang akong bata na pinupunasan ni JK. Sobrang close niya.

Napayuko ako. “Ako na.” inalis ko yung kamay niya.

Nagring naman bigla yung phone ko. agad kong sinagot.

“l-London?”

“Genie! What happened? Why aren’t you answering my call? Did something happened!? Nakauwi ka bang ligtas?” sunod sunod niyang tanong. Natawa tuloy ako.

“Calm down. Nandito na ako sa bahay. At..” napalingon ako kay JK. Napalingon din siya sakin. “Okay naman ako.”

“I’ll make a soup.” Nabigla ako sa sinabi ni JK.

“Who’s there?” tanong naman ni London.

“h-Hah?” susundan ko sana si JK kaso kausap ko nga pala si London sa phone. “w-Wala. Dormate ko.?” palusot ko.

“Well anyways, I’m very sorry sis! Hindi ko na naman natupad ang pangako ko. Damn me!”

“SHH!! Ano ka ba!” bigla akong nakarinig ng ingay sa mag kusina. “London! Saka na lang tayo mag-usap. Bye!!” narinig ko pa na may sasabihin si London kaso naend ko na yung call at agad din akong pumunta kay JK.

“Anong nangya—“ nakita kong nagkalat yung mga kaldero sa sahig.

“Uhh..” natawa ako bigla sa thought.

Lumapit ako sa kanya. Tinulungan ko naman siya sa pagliligpit. Bigla kong naalala.

“Sabi ko na nga ba, ang weird nung sinabi mo na ipagluluto mo ako! Eh hindi ka naman marunong magluto—HAHAHA” tumatawa kong sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Dahil noon pa lang kasi hindi naman talaga nagluluto si JK. Kaya siguro nabigla din ako nung sabihin niyang ipagluluto niya ako ng soup.

“Kahit man lang yung sabaw ng noodles diba. Nabasa ka kasi ng ulan. Atsaka—Magpalit ka na nga ng damit mo!” tinulak naman niya ako. “Sige na. sige na!”

Nung lingunin ko ulit siya. Napansin ko yung pagkunot ng mga kilay niya. Seryoso nga talaga siya na ipagluluto niya ako ng soup—Haha este ng soup ng noodles. Nakakatawa talaga. Ang cute kasi ni JK.

Poison Love 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon