“I’m very sorry talaga kahapon I didn’t make it to our camptour lesson!” natawa naman ako sa sinabi ni London. Nandito kami sa may bench malayo sa mga tao. Nilibre naman niya ako ng makakain para makabawi daw siya.
“But you know what, I have many chikas for you about what happened yesterday.” Pinisil pisil pa niya yung braso ko. Gay na gay siya sa pananalita.
Nagcrossed feet naman siya at uminom ng drinks.
Sumilip ako sa kanya. Parang bigla kasi siyang sumeryoso.
“Kamusta ka naman?” tinaasan ko siya ng kilay. “Kahapon.” Pagtataray niya. Natawa tuloy ako.
“Okay lang.” kakayanin ko naman kasi.
Narinig kong bumuntong hininga siya. Pero nung lumingon ulit ako sa kanya nakangiti naman siya.
“Well,” bigla niyang hinila ang braso ko paharap sa kanya. “I joined Modelling organization, yesterday. That’s why I was busy. But today, I’ll really make it up to you. I mean our camptour lesson.” Nagholding hands kami. Tapos ngumiti na rin.
Naikwento rin sakin ni London ang mga nangyari sa klase niya. He’s taking up bachelor’s degree program in fashion design. Gusto kasi talagang maging model ni London. So pangarap din niyang maging fashion designer at syempre for men.
Excited na excited siya habang nagkukwento siya. Mukhang nag-eenjoy naman siya. Hindi ko na rin nabanggit yung tungkol sa mga nangyari sakin at yung tungkol na lang sa mga positive happenings ang nikwento ko. Masaya na ako na makita siyang nagkakaganyan.
Agad din naman akong pumunta sa sunod kong klase. Muntik na naman nga akong malate e. Naghanap naman ako ng mauupuan. At ganon pa rin. Nahihirapan pa rin akong makisama sa mga kaklase ko.“Uhm ano paano daw ba..”
Wala akong matanungan. Wala akong makausap. Parang lahat sila ang busy busy pagdating sakin. Minsan tinitingnan ko ang sarili ko. Dahil siguro.. ibang iba ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Poison Love 1
Teen FictionHaving zero relationship experience. Admiring and liking someone is like loving his/her personality. You'll get infatuated and eventually fall in love. But what really is forbidden? Why she/he can't?