“I still like you, Genie.” Napatigil ako sa pagmumuni muni.
Harris is confessing his feelings for me. Natatakot ako. Anong gagawin ko?
“Gen..” naramdaman ko ang paglapit niya. “AHHHHH!!!” napalingon naman ako nung bigla siyang sumigaw.
“Ikaw bata ka! Ano itong ginawa mo!? sabi ko pinturahan mo yung pader at hindi babuyin! Halika at paparusahan kita!” pagharap ko kay Harris may bigla na lang humigit sa kanyang tainga. Isang matanda. At hinila nito si Harris palayo sakin.
“Ge-Genie!!!” wala akong nagawa at pinanood ko lang siya.
Hayy.. nakahinga din ako ng maluwag. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko at kung paano ko ulit irereject si Harris. Sa totoo lang ayoko naman kasing ireject siya. Pero ayoko ring paasahin siya. Pero mukhang hanggang ngayon umaasa pa rin siya. Anong gagawin ko.. I can’t like him. I mean, para sakin kaibigan lang talaga si Harris. Ayoko naman siyang saktan..
Dumiretso naman ako sa office na isa sa mga professor ko. Gusto daw akong makausap katatapos lang kasi ng reporting namin.
“Hija, napakaganda nung ginawa mo. I’ll give you a grade na nararapat sayo pero gusto kong gawin mo itong special project ko para sayo.”
Masaya ako na nagustuhan ng professor ko ang ginawa kong autobiographical writing. Sa totoo lang hindi ko naman talaga innexpect yun. Pero ginawa ko talaga ang best ko sa pagsusulat lalo na at punishment yun sakin. I just love writing. Kaso hindi ko naman napansin yung oras at halos mga 9 na pala ako nakauwi.
“Oh nandito na ka na palang bata ka.” Sinalubong ako ni Tita sa may pintuan.
“Patay na po yung ilaw, akala ko tulog na kayong lahat.”
“Sila JK at Arnold tulog na. Lalo na yung si JK.” Tiningnan niya ako ulo hangggang paa. “Ano ba talagang meron sayong bata ka at sobrang espesyal mo hah.” Nagtaka ako sa pinagsasabi ni Tita.
“Hindi ko ho—“
“Sa bagay. Napakabait mo naman kasi at napakaamo. Hindi na ako nagtataka. Kung siguro.. mas maaga ka lang nakilala ni JK. Siguro naging girlfriend ka niya.” parang biglang sumabog yung mukha ko sa pamumula. Anong pinagsasabi ni Tita. “HAHAHAHA.” Tumawa pa siya ng nakakaloko. Natakot tuloy ako.
Hindi ako nakatulog nung gabing yun. masyado kong inisip ang mga nangyayari. Sa pagitan namin ni JK. Ang confession ni Harris. At ang mga salitang binitawan nila. masyado akong nag-isip ng malalim hindi ko tuloy napansin yung oras.
Sa klase ganon pa rin. Pero naiba iba. Hindi na ako masyadong ginagalaw ng mga kaklase ko. I mean, wala ng weird na nangyayari. Maybe because of my looks. And maybe because of my grades.
“Uhm Claire—Jhen—“ hindi ko alam kung paano sila tatawagin.
Lumingon naman sila. Pero parang nakakatakot pa rin.
“Gusto ko lang ipaalala yung tungkol sa ipapaprint ninyo. Gusto ko kasing isama yung first 5 pages. Babayaran ko na lang—“
BINABASA MO ANG
Poison Love 1
Fiksi RemajaHaving zero relationship experience. Admiring and liking someone is like loving his/her personality. You'll get infatuated and eventually fall in love. But what really is forbidden? Why she/he can't?