MY MAY-DECEMBER FAIR LADY

374 5 4
                                    

CHAPTER 0.5 : My Brainy Pad POV

Ayon kay Google... kapag sinabing may-december affair it is an instance of the romantic involvement of two parties between whom there is a considerable age difference.

Maaari ang lalaki ang matanda kaysa sa babae o vice-versa. Kadalasan ang motibo ng ganitong pag-ibig ay money o status. Yung tipong gustong sumikat at magpayaman.

Paano naman kapag walang motibo talaga? Kung baga pinilit ng ibang tao? Pilit ba? O sadyang tinadhana na maging sila?

At masasabi mo ring bang mali ang pag-ibig nila dahil sa kanilang edad?

Tunghayan ninyo po ang pag-iibigan nila Alexis at Larisa. Pag-iibigan na love has no boundary. ^__^

Sana po ay magustuhan ninyo po ang aking one shot.

COMMENT... VOTE LANG PO KAYO. ^_^

HUG HUG KO PO KAYO NG SOBRANG HIGPIT TALAGA =^_^=

By: abbot1988 © 2013

__________________________________________________________

CHAPTER 1.0 MY MAY-DECEMBER FAIR LADY

ALEXIS POV

3 months ago...

"Po? Isang date? Seryoso po kayo? Wala pa po sa plano ko ang magpakasal. At bakit kailangan sa anak ng kaibigan pa ninyo po ako dapat ireto?" Reklamo ko sa aking mama.

"Iho! Gragraduate ka na rin naman. At isa pa boyfriend-girlfriend muna kayo. Kapag gusto na ninyong lumagay sa tahimik, saka kayo magpakasal." Wika ng mama ko na may ngiti sa kanyang mukha.

Nag-iisang anak lang ako at wala akong magagawa sa bagay na iyon. May kaibigan kasi si mama na hindi niya nakita almost 10 years. Sabi niya naging tutee ako ng anak ng kaibigan niya noong 5 years old ako. Hindi ko na maalala.

"Hindi naman pwede sa mga kuya niya. Siya lang kasi ang nag-iisang babae. Lima silang magkakapatid at siya yung pangalawang panganay." Dugtong pa niya.

Cute raw naming tignan kaya naisip ng dalawa na kapag malaki na ako este sa tamang gulang saka kami magpapakasal. Trip nga naman nila oh.

.

.

.

.

.

.

.

"Friend this is my son, Alexis. Remember? Siya yung takbo ng takbo sa bahay ninyo tapos hinahabol ni Risa maturuan lang kung paano magbasa." Ngumiti naman ako sa kaibigan ng mama ko bilang paggalang. Sa kasamaang palad yung anak niyang babae wala pa rin. Ay naku! Ayaw kong pinaghihintay ako."

Pagkalipas ng isang oras may kung anong boses kaming narinig. Nanggaling mismo mula sa aming likuran.

"Ma, sorry for the wait. Nagkaroon pa kami ng meeting sa university."

Napalingon ako bigla sabay nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang professor ko.

"My friend siya si Larisa. Ngayon ay isa na siyang professor. Biology ang tinuturuan niya pala. Tama ba iha? Tanda mo siya Alexis? Siya yung humahabol sa iyo parati para turuan ka lang magbasa tapos tinataguan mo siya parati at kapag nahuli ka niya pinapalo ka sa pwet. Dahil doon umiiyak ka ng husto."

MY MAY-DECEMBER FAIR LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon