CHETRANNA
Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nabasa ang academy handbook na binigay sa akin ni Phoenix. Nababagot na ako rito sa dorm niya. Nandito ako sa dorm niya dahil inaayos pa lang ang isang bakanteng kwarto para sakin. Pansamantala muna akong tumuloy sa dorm niya. Wala rin namang sinabi si Phoenix kung saan siya matutulog. Hindi naman siguro iyon matutulog sa lansangan.
Malalim akong napabunting-hininga at tiniklop ang handbook na hawak ko. Nababagot na ako rito. Nilibot ako nila Darina at Aphrodite kanina. At isa lang ang masasabi ko, malaki nga ang academy dahil kompleto lahat ng pasilidad at may isa pang building kung saan mga bata naman ang nag-aaral. Parang elementary school sa mundo ng mga mortal.
Lumabas ako ng kwarto ni Phoenix at nagtungo sa sala. Parang bahay ang dorm ni Phoenix dahil may kusina at sala. Ang sabi niya ay ganito rin daw ang ibang silid dito sa dorm. Naiiba lang ang sakanya dahil dalawa ang silid sa dorm niya at ang isa ay pagmamay-ari ni Dark. Tinungo ko ang kusina at naglabas ng mga pwedeng lutuin para sa hapunan.
Naghihiwa ako ng mga sangkap sa iluluto ko nang maramdaman ko si Dark malapit sakin. Tinigil ko ang ginagawa ko at nilingon siya. Nakahiga siya sa sofa na nasa sala habang yakap ang isang unan. Nakikita ko siya dahil nakaharap sa direksyon ko ang mahabang upuan na kinahihigaan niya.
"Nasaan si Tanda?" tanong nito sakin habang nakapikit pa rin ang mga mata
"Hindi ko alam dahil hindi naman siya nagpaalam sakin kanina bago umalis." sagot ko sa kanya at tinuloy ang ginagawa ko
Hindi na siya muling nagsalita baka nakatulog na. Tahimik akong nagluto dahil magmumukha siguro akong baliw pag maingay akong nagluto, hindi ba?
Kasalukuyan akong naghahain nang marinig ko ang katok sa pinto. Mabilis na tinungo ko ang pinto dahil mukhang tulog na tulog si Dark. Bumungad sakin sila Darina nang buksan ko ang pinto. Malawak ang pagkakangiti nilang lahat maliban kay Layne na may tipid na ngiti sa labi.
Nagtataka man ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok sila. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang halos tumakbo ang apat papunta sa kusina maliban kay Layne na nanatiling nakatayo sa tabi ko.
"Pasensya na sa istorbo." paghingi nito ng paumanhin
"Ayos lang." ani ko at kiming ngumiti sa kanya
Tinungo ko ang kusina at agad naman itong sumunod. Bahagya akong natawa nang makitang nakaupo na silang lahat at parang naghihintay lamang sila na sabihin kong pwede na silang kumain.
"Nakikikain nanaman kayo." masungit na sabi ni Dark na mukhang nagising sa ingay ng apat
"Masarap magluto si Ate Chetranna e!" maagap na rason ni Darina at matamis na ngumiti sakin na ginantihan ko rin ng isang ngiti
"Maupo na kayo. Mauna na kayong kumain. Hihintayin ko muna si Phoenix para may kasabay siyang kumain mamaya." nakangiting ani ko sa kanila
Nawawalan ng ganang kumain madalas si Phoenix pag walang kasabay kumain. Ang sabi niya ay malungkot daw at parang mag-isa siya sa buhay kahit hindi naman.
"Ganyan na ganyan si mama kay papa." panunukso ni Cupid
"Magkasintahan kayo 'no?" panggagatong naman ng kakambal nito
Mahina akong natawa sa kanila at bahagyang umiling. Magkapatid lang ang turingan namin ni Phoenix at hindi na hihigit pa 'don.
Nawala ang ngiti ko nang makaramdaman ako ng pagkahilo. Tinukod ko ang kamay ko sa mesa at naramdaman ko ang isang bisig na umalalay sa bewang ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko.
"Ipagtabi mo ako ng hapunan. Mahuhuli ako ng dating." sabi ni Phoenix sa aking isipan
Hindi ko siya kinausap dahil nainis nang gamitin nito ang abilidad. Isa iyong uri ng telepathy pero kakaiba dahil kahit malayo ay nakakausap niya. Ilang beses niya pa lamang iyong ginamit sakin at hindi pa ako sanay kaya tuwing gagamitin niya iyon ay nakakatamdam ako ng hilo.
BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasyDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.