CHETRANNA
Dala ang mga gamit kong tinungo ang opisina ni Phoenix. Maraming tao sa cafeteria kaya at naiingayan ako sa kanila. Ayoko namang magpakalat-kalat baka mawala nanaman ako. Hindi na ako kumatok sa opisina ni Phoenix dahil nakalimutan ko.
Minsan gusto ko na lang batukan sarili ko. Malamang may pinto kaya dapat kumatok ako pero nakalimutan ko at nakakatamad. Nagtaas ng ulo si Phoenix at kunot-noong tinignan ako. Prente akong naupo sa mahabang upuan at nilabas ang pagkain na dala ko galing sa dorm dahil hindi ko naubos. Sayang, ayokong magtapon ng pagkain dahil maraming batang nagugutom.
"Anong ginagawa mo rito sa opisina ko?" kunot-noong tanong nito
"Kumakain." sagot ko pagkalunok ko sa nginunguya ko
"Bakit hindi ka sumama kila Dark?" tanong nitong muli
"Ayoko. Pinagtitinginan sila dun sa cafeteria." nakasimangot na sabi ko
Totoo naman 'yon. Nagpunta ako sa cafeteria kanina para sana tignan kung anong mga pagkain doon kaso nakita ko sila Darina na pinagtitinginan ng mga estudyante. Parang mga artista sa mundo ng mga mortal. Sila rin ang dahilan kaya binago ko ang kulay ng buhok at mata ko.
Marami na akong nabasa sa libro na ganoon. Yung pag kasama mo yung mga sikat na character, ibubully ka. Hindi naman ako nagpapabully pero minsan nakakatamad silang pansinin. Ang sabi kasi nila ang mga bully kulang sa pansin kaya nagpapapansin.
"Lumabas ka doon at makipagkaibigan ka naman." ani nito at bumuntong-hininga
"Wala akong balak makipag-usap sa mga estranghero." nakaismid na sabi ko sa kanya at kumagat ulit sa tinapay na hawak ko
Tumayo siya at lumapit sakin. Naupo siya sa tabi ko at natatawang inakbayan ako.
"Kaya nga makipagkaibigan ka para hindi na sila estranghero." natatawa at naiiling na aniya
"Tinatamad ako." tipid na sabi ko
"Kumusta naman ang klase mo?" tanong nanaman nito
Tsismoso talaga 'to. Hindi ako likas na madaldal pero dumadaldal talaga ako pag naiinis. Nagkwento ako sa kanya, mali, nagreklamo pala ako dahil nababagot ako sa lahat ng mga pinag-aaralan. Alam ko na lahat 'yon! Tinuro sakin nila Tiya Adelina at nabasa ko na rin!
Hindi na ako makapaghintay na malipat sa Platinum Class, baka iba ang pinag-aaralan nila doon at baka ganahan akong mag-aral. Tawa naman ng tawa si Phoenix na animo nagsabi ako ng isang nakakatawang joke.
"Saya natin, ah. Tawa pa habang buhay ka pa at hindi pa kita nilalagutan ng hininga." inis na sabi ko sa kanya
"May kaibigan ka na pala e!" nakangiting sabi niya na parang sobrang nakakatuwa ng bagay na 'yon
"Anong oras ka na pala nakauwi kagabi? Hinintay kaya kita." tanong ko sa kanya at binigyan siya ng mapanuring tingin
Lumamlam ang mga mata nito at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko na parang isa akong aso. Masamang matanda!
"Mag-uumaga na ako nakauwi." sagot nito na may tipid na ngiti
"Saan ka ba galing? Hinahanap ka rin ni Dark sa'kin kahapon." takang ani ko sa kanya
"May inasikaso lang ako. Halika na nga sa cafeteria. Kakain tayo." hinila ako nito patayo
"Libre mo?" tanong ko bago kami makalabas ng opisina niya
"Wala naman akong ibang pagpipilian." aniya at humalakhak habang hila-hila ako
"Sabi mo kararating mo lang kaninang mag-uumaga. Bakit nasa opisina ka? Hindi ka ba magpapahinga?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasyDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.