CHETRANNA
Ilang segundo na akong nakikipagtitigan kay Phoenix na nakahalukipkip sa harapan ko habang nakaupo ako sa sofa. Para itong isang ama na ayaw payagan ang dalagang anak na gumala. Hinatid ako dito ni Uno kanina pagkatapos ng mahabang pag-uusap namin, kung pag-uusap bang matatawag iyon dahil parang nagkwentuhan lang kami at paminsan-minsang nag-aangilan sa isa't-isa.
Kaya umaakto ng ganito si Phoenix dahil sinabi sa kanya kanina ni Uno na doon ako sa dorm niya mananatili. Hindi namin pinag-usapan iyon, desisyon niyang mag-isa 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit siya may dorm dito dahil hindi na siya estudyante rito. Iniwan muna ako dito ni Uno dahil may aasikasuhin lang daw siya. Binilin niya sakin na mag-impake daw ako ng gamit dahil lilipat ako doon mamaya.
"Hindi kita pinapayagan na umalis. Ako ang nagdala sa'yo dito kaya responsabilidad kita." seryosong aniya
Ayoko sanang pumayag sa gusto ni Uno pero naalala kong walang tinutulugan si Phoenix. Nakonsensya naman ako na baka kung saan nanaman siya magpunta mamaya at umaga na umuwi. Siguradong sa sala ito natutulog.
"Anong sinabi mo sa kanya?" seryosong tanong nito nang mapansin ang pananahimik ko
"Lahat." maikling sagot ko
Mukhang naintindihan naman nito kung bakit ko sinabi ang lahat kay Uno dahil tipid lang itong tumango.
"Hindi ka pa rin lilipat." mariing sabi niya
"Okay." kibit-balikat na sabi ko na ikinagulat niya
Ano namang nakakagulat doon? Kung ayaw niya, edi wag. Ayokong pilitin ang mga taong ayaw. Wala akong magagawa kung ayaw niya talaga.
Napagtanto ko lang na parang malungkot doon sa dorm ni Uno dahil ayon sa kwento niya hindi siya madalas na nandito. Madalas siyang nasa malalayong lugar o sa ibang kaharian dahil sa mga misyon niya na galing sa palasyo.
"Anong iniisip mo?" mahinahong tanong ni Phoenix nang makitang nangalumbaba ako
"Naisip ko lang na palaging wala rin si Uno sa dorm niya kaya nakakalungkot doon. Mag-isa lang ako. Mabuti dito kasi nandyan si Dark o ikaw." malumanay na sagot ko sa kanya
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at naupo sa tabi ko. Kinabig niya ang ulo ko at sinandal sa balikat niya.
"Gusto mo bang bisitahin ang Tiyo Uriel at Tiya Adelina mo?" tanong niya sakin
"Hihintayin ko na lamang sila rito dahil siguradong mag-aalala lamang sila sa'kin." malumanay na ani ko
"Sabi ko naman sa'yo, makipagkaibigan ka. Malaki ang mundo, Chetranna. Marami kang makikilala na pwede mong maging kaibigan. Mga kaibigan na ituturing kang pamilya." pangangaral nito sakin
Tipid akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ko matatawag na kaibigan sila Dark dahil para sa'kin ay mga kakilala ko lamang sila. Ayokong makipagkaibigan dahil noong bata pa ako, tinakasan ko si Tiyo Uriel sa pagsasanay. Pumunta ako sa park na may mga batang naglalaro, gusto kong maglaro tulad nila at gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan tulad ni Phoenix.
Pero hindi sinasadyang lumabas ang mahika ko at nagkaroon ng malalakas na kidlat. Natakot silang lahat at iniwan ako. Gumawa ng paraan si Tiyo Uriel kaya nawala iyon sa alaala ng mga nakakita. Nagkulong ako sa kwarto noong araw na iyon at umiyak ng umiyak. Mula noon ay ayoko ng makipagkaibigan.
"Ayoko pa rin." mahinang sabi ko
"Ayaw mo pero malapit ka na kay Tito Uno?" nanunukso ang boses nito
Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at tinignan siya ng masama.
"Iba naman 'yon." naiinis na sabi ko sa kanya

BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasíaDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.