CHETRANNA
Hindi ko mapigilan ang pagngisi habang iniisip ang plano ko kay Phoenix. Imbes na siya ang magpunta rito para bisitahin ako at ibigay ang uniporme ko, iba ang pinapunta niya. Kung hindi ko lang alam na may pumasok sa teritoryo ko baka napahamak na sila.
Pagkatapos niya akong dalhin dito sa Eragania, di na niya ako kinumusta o sinilip man lang. Nakakainis talaga ang kumag na iyon. Tignan lang natin kung hindi siya mataranta pag walang bumalik sa kanya.
"Dito na kayo magpalipas ng gabi. Hihintayin natin ang pagpunta dito ni Phoenix." imporma ko sa kanila
"Siguradong mag-aalala iyon pag wala siyang natanggap na balita mula sa amin ngayong araw." nababahalang sabi ni Darina
"Iyon ang gusto kong mangyari. Wala siyang magagawa kundi ang magpunta dito." nakangising sabi ko
"Mahal na diwata—" pinutol ko ang sasabihin ni Cupid
Mabilis kong nalaman kung sino si Cupid at Eros sa kanila dahil may mga maliliit na detalye sa mukha nila na magkaiba.
"Chetranna. Tawagin niyo akong Chetranna." sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanila
"Chetranna, totoo bang papasok ka sa akademya?" tanong ni Cupid
Tahimik akong tumango sa kanya. Ayokong malaman nila na galing ako sa mundo ng mga mortal. Baka marami silang tanungin, nakakatamad magkwento.
Nag-umpisa akong magluto nang makita kong papalubog na ang araw. Sinamahan ako ni Darina sa pagluluto kahit tinatanggihan ko ito dahil mga panauhin ko sila. Tinulungan naman ako nila Lana na maghain nang matapos na akong magluto. Umalis din ang mga little nymphs nang dumulog sa hapag ang mga panauhin namin.
Nagpaalam sila Lavi na mamaya na lamang kakain dahil aayusin nila ang silid na tutulugan nila Darina. May ilang bakanteng silid sa bahay ko. Ang isa ay dating silid ng aking magulang na naging silid ko na, ang isa ay ang aking lumang silid at ang isa ay madalas na ginagamit ni Phoenix pag nandito siya.
"Matagal ka na bang nakatira dito?" tanong ni Eros
"Dito na ako pinanganak." maikling sagot ko sa kanyang katanungan
"Iyong nakita namin kanina, bakit naging buhay at makulay ang dead forest?" puno ng pagtatakang tanong ni Layne
"Iyon ang totoong itsura ng Dead Forest. Mabibigyang buhay lamang ang paligid kapag napatunayan ng mga guardians na wala kayong masamang intensyon. Pwede ring ako ang magbigay buhay sa kakahuyan at ipakita sa inyo ang totoong anyo nito. Kaya dead forest ang pangalan ng kakahuyan na ito dahil lahat ng papasok dito na may masamang intensyon ay hindi na makakalabas pang muli, buhay man o patay.
Ang ibang pumasok dito noon ay naghahangad na makahanap ng mga mapagkakakitaan o mga bagay na magagamit nila para sa pansariling rason kaya hindi sila nakalabas. Ang iba naman ay walang bahid ng masamang intensyon ngunit hindi pa rin sila nakalabas." pagkwekwento ko sa kanila at sinadya kong putulin ang aking kwento
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Darina
"Dahil nagkaroon sila ng masamang intensyon nang makita nila ang totoong anyo ng Dead Forest." sagot ni Layne na malamang na naintindihan ang aking punto
"Anong ibig mong sabihin kanina na buhay man o patay? Sinasabi mo bang ang iba ay buhay pero hindi na nakalabas?" kunot-noong tanong ni Dark
Napangiti ako sa kanyang katanungan. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik nito pero gayunpaman, nakikinig ito at mukhang madalas na nag-iisip ng malalim. Nakikita ko ang personalidad nito na nag-iisip muna ng mabuti bago magsalita o magtanong.
BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasyDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.