Sa isang lupain kung saan makikita mo ang mga taong gumamit ng mahika ay makikita ang isang babae na pagala-gala na may masayang ngiti sa labi. Lahat ng kanyang makakasalubong ay kanyang nginingitian at binabati. Tinutulungan niya ang mga nangangailangan at makikita ang kabutihang taglay nito.Kilala siya lahat ng tao hindi lang dahil sa kabutihan niya kundi dahil sa siya ang taga-pangalaga ng buong lupain. Mas mataas ang posisyon nito sa Hari at Reyna. May malakas na kapangyarihan na hindi pa nakikita ng lahat.
Siya ang Goddess of Eragania o mas kilala bilang Enchantra.
Hindi pa nito naikukumpas ang kamay ay maaari ka ng mawalan ng buhay o mawalan ng kapangyarihan at maging isang mortal.
May balingkinitan na katawan, makinis at maputing balat, mahaba ang kanyang brownish gold na buhok na kulot sa dulo at may katangkaran rin. Hindi rin maipagkakaila ang kagandahang taglay nito. Namumuhay siya bilang isang normal na Eraganian, tawag sa mga naninirahan sa Eragania.
Walang alinlangan niyang tinutulungan ang nasasakupan at hindi rin siya nangangambang ipakita ang kanyang mukha sa kanila.
Ngunit, nagbago ang lahat nang may magtaksil. Bumuo sila ng samahan at pinalakas ito, ang mga Phantom Rogues. Namuhay sila sa labas ng Eragania at bumuo ng sariling lupain. Naging masama ang mga ito at mas pinapalakas pa nila ang kanilang pwersa.
Walang may alam ng dahilan sa kanilang pagtiwalag at pagtratraydor. Pinuntahan sila ni Enchantra upang kausapin ngunit wala itong magawa dahil nilabanan siya ng mga ito. Ayaw niyang may masaktan siya kaya hindi siya lumaban.
Pagkaraan ng araw ay nawala si Enchantra. Sariwa sa alaala ng bawat isa sa kanila ang mga ginawang kabutihan ni Enchantra ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi nila maalala ang mukha nito. Pati boses nito ay walang makaalala.
Dumaan ang araw at mga taon pero hindi na nagpakita o nagparamdam pa si Enchantra. Naisip nilang namatay siya dahil sa mga Phantom Rogues. Malaki ang galit nila sa mga ito dahil sa pagkawala ni Enchantra ngunit naniniwala silang babalik siya dahil isa siyang imortal at walang kayang pumatay sa kanya.
Babalik pa ba siya? At totoo ba siya o isa lang siyang kathang-isip?
Sinarado ko ang librong binabasa ko at binalik sa pinagkuhanan ko. Ilang ulit ko na bang nabasa iyon? Kabisado ko na nga ang laman ng librong iyon.
Napatigil ako sa pagtingin ng ibang libro nang maramdaman ko ang presensiyang nasa likuran ko. Bumuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Ano nanamang ginagawa mo rito?" naiinis na tanong ko rito habang hindi pa rin siya nililingon
Kilala ko ang presensiya niya kaya kahit na hindi ko ito lingunin ay alam ko kung sino siya.
"Alam mong hindi kita titigilan hangga't mapapayag kita sa gusto ko." malumanay na sabi nito at naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya tumigil ako sa pagsisiyat ng mga libro para harapin siya
Nakasuot ito ng pulang cloak na may gintong tatak na Eragania Royal Academy. Isang patunay na galing siya sa pamilyang may mataas na estado sa lipunan. Hindi lang pala mataas dahil isa siyang prinsipe. Isang dugong bughaw.
Tumingala ako sa kanya at sinalubong ang pulang mata niya na nakatitig sa akin.
"Hindi ako papayag sa gusto mo. Hindi ako aalis sa eskwelahang ito." matigas at mariing sabi ko sa kanya na lagi kong sinasabi tuwing kinukulit ako nito
Napabuga ito ng hangin na parang naiinis na sa akin at sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay niya.
"Ikaw lang ang makakatulong sa'kin at mas maproprotektahan kita kung nasa malapit ka." pangungumbinsi nito
BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasyDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.