PHOENIX
Bigla akong napabangon nang may maramdaman akong kakaiba. Luminga ako sa paligid pero mag-isa lang ako sa healing station. Hindi ako pwedeng magkamali. May nangyari kay Chetranna pero nasaan siya?
Hindi ko rin siya makausap at tinatawag ko siya sa isip ko pero parang hindi niya iyon naririnig. Nakaramdam ako ng kaba kaya pumunta agad ako sa dorm. Pabagsak kong binuksan ang pinto at hindi ko nagawang magulat kahit nandoon ang lahat sa dorm namin ni Dark. Nandoon lahat maliban kay Chetranna!
"Nasaan si Chetranna?" bungad na tanong ko sa kanilang
"Kuya!" gulat na sabi ni Darina
"Hindi ba't binabantayan ka niya?" nagtatakang sabi ni Alec
"Nagpaiwan siya roon kanina." kunot-noong sabi rin ni Athena
"Bakit mo siya hinahanap?" seryosong tanong ni Dark
"Dahil nasa panganib si Chetranna!" hindi ko napigilang isigaw iyon dahil sa labis na kaba at taranta
Nilisan ko ang lugar na 'yon at naramdaman ko namang sumunod silang lahat. Natigilan ako sa paglalakad nang maramdaman kong nagliliwanag ang birth mark ko sa baba ng batok ko. Humahapdi rin ang parteng 'yon ng katawan ko.
"Kuya, bakit?" nag-aalalang tanong ni Darina
Hindi ako nakasagot dahil pinapakiramdaman ko ang sarili ko. Ito ang pangalawang beses na nagliwanag ang birth mark ko.
Chetranna, nasaan ka na ba? Anong nangyayari?
"Nasa opisina siya ng headmaster." imporma samin ni Lander
Anong ginagawa niya doon? Dinala kami ni Alec sa opisina pero wala siya doon.
"Ano 'to?" takang tanong ni Asher habang nakaturo sa crack ng pader
Nakita ko ang isang damit panlalaki sa sahig na may bahid ng dugo. Nadagdagan ang kaba ko dahil sa mga nakita ko.
"Lander, nasaan siya?" tanong ko sa katabi ko na seryosong nakahawak sa sahig
"Hindi ko siya maramdaman pero nararamdaman ko ang huling kasama niya dito. Nasa healing station." seryosong sabi nito
Wala kaming nagawa kundi ang magtungo muli doon. Dinala kami ulit ni Alec sa healing station at bumungad samin ang sirang pinto na nasa sahig. Agad akong pumasok nang makita ko si Chetranna na nakahiga.
"Chetranna!" nilapitan ko siya agad at nakitang namumutla ito
"Anong nangyari dito?" gulat na tanong ni Aphrodite
"Anong nangyari kay Chetranna?" halos sabay sabay na tanong nila
Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Chetranna at pinulsuhan siya. Mahina ang tibok ng puso niya. Ano nanaman bang pinasok mong babae ka?
"Phoenix." tawag sakin ng isang malalim na boses na parang galing pa sa ilalim ng lupa na nagpakaba sa akin
Sabay sabay kaming lumingon sa tumawag sakin at bumungad sakin ang tiyuhin kong walang pang-itaas na damit. Nagsinghapan ang mga babaeng kasama namin at kanya-kanya silang nagtakip ng mata.
"Tito, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko sa kanya
"Ako ang nagdala sa kanya dito." sagot niya habang nakaturo kay Chetranna
"Paano? Teka, anong nangyari sa inyong dalawa?" kinakabahang tanong ko dahil may mga sugat si Tito at si Chetranna naman ay walang malay
"Tulungan mo muna siya. Nagwawala ang isang mahika niya at mukhang wala siyang kontrol sa mahika na 'yon." seryosong aniya
BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasyDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.