Chapter 8

214 15 7
                                    

CHETRANNA

Ilang beses ko ng sinumpa at pinatay si Uno sa isip ko. Pagkatapos niyang sabihin ang napaka-corny niyang banat, tumuloy na kami sa dorm niya. Sobrang aga niya akong kinatok kanina para magsanay. Hindi ko inakalang mahirap ang pagsasanay namin.

Peste siya! Pakiramdam ko ay sinasadya niya akong pahirapan.

"Concentrate!" malakas na sabi ni Uno

Nilingon ko siya at sinamaan siya ng tingin. Kanina ko pa napapansin na lagi niya akong sinisigawan. Kung upakan ko kaya ang isang 'to? Nakakapikon!

"Wag kang sumigaw!" inis na singhal ko sa kanya

"Hindi ako sumisigaw! Malayo ka lang! Engot!" sabi nanaman nito at may maliit na ngisi sa labi niya

Aba't! Nakukuha pang mang-asar. Ganyan siya kanina pa. Minsan seryoso tapos mang-aasar pagkaraan ay mapipikon.

Hindi ko na lamang siya pinansin dahil baka humaba pa ang bangayan namin. Ilang araw akong hindi papasok para sa pagsasanay na 'to. Natutuwa ako sa ideya ng hindi pagpasok pero hindi ako natutuwa sa ginagawa ko ngayon. Pagod na pagod na ako at nagugutom na. Kumain na kami kaninang almusal pero nagugutom nanaman ako.

"Hindi pa ba tayo magpapahinga? Pagod na ako!" hindi ko napigilang reklamo sa kanya

"Nagugutom ka nanaman ba?" medyo naiinis na turan niya

Tumango ako sa kanya. Marahas siyang bumuga ng hangin habang papalapit sakin at walang alinlangan niyang hinawakan ang kamay ko para hilahin sa kung saan pwede kaming kumain. Natuwa ako bigla dahil makakakain nanaman ako.

"Saya mo naman." nanunuyang sabi ni Uno

Ngumiti ako sa kanya ng malapad at hindi na nagsalita dahil baka pag nainis ko siya ay magbago ang isip niya na pakainin ako.

Wala pang mga estudyante sa cafeteria nang pumasok kami. Oras pa kasi ng klase kaya walang gumagalang estudyante. Hinintay ko na lamang si Uno sa mesa namin dahil siya na raw ang kukuha ng pagkain.

Pagbalik nito ay may dala siyang isang tray na maraming pagkain. Binigay niya iyon lahat sa'kin at tanging kape lang ang iniinom niya.

"Hindi ka kakain?" takang tanong ko sa kanya

"Busog pa ako." tipid na sagot niya

Tinignan ko ang tray na binigay niya sa'kin. Malakas akong kumain pero hindi ko naman iyon mauubos lahat. Binigay ko sa kanya ang isang plato na pinagtaka niya.

"Hindi ko mauubos 'to." ani ko

Nagkibit-balikat lang siya at kumain din pagkaraan ng ilang segundo. Sabi na e. Hindi dapat pinipilit ang mga taong ayaw, baka pumayag.

Galit galit muna kami habang kumakain. Parang nagkaroon ng gana si Uno dahil nakikikain na rin siya sa ibang binili niya. Hindi naman ako umangal dahil siya naman ang bumili at isa pa, hindi naman ako ganoon katakaw. Bigla akong nabulunan nang may humawak sa balikat ko. Umuubo ubo ako at agad naman akong binigyan ni Uno ng tubig.

"Tuwing kaharap ang pagkain, hindi ka talaga alerto sa paligid." naiiling na sabi ni Phoenix na naupo sa tabi ko at walang pag-aalinlangan na kumuha ng pagkain ko

Ganyan kakapal ang mukha niya. Makikikain 'yan kahit hindi mo alukin. Kung makakain nga parang pagkain niya.

Umuubo pa rin ako ng kaunti habang sinasamaan siya ng tingin. Malakas na tinapik ni Uno ang kamay ni Phoenix kaya sumimangot siya.

"Napakadamot!" reklamo nito pero agad na natahimik nang tinignan siya ng masama ni Uno

"Wag ka ngang nanggugulat!" inis na sabi ko sa kanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EnchantraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon