DARK
Naglalakad ako patungo sa opisina ng headmaster ng Eragania Royal Academy o mas kilala bilang ERA at kasama ko ang mga prinsipe at prinsesa ng iba't ibang kaharian. Sunod-sunod kaming pumasok sa pinto at binati ang headmaster. Siya ang unang prinsipe ng Fire Kingdom. Ang aking nakakatandang kapatid.
"Pinatawag niyo daw kami?" bungad na tanong ni Layne, ang prinsipe ng Nature Kingdom
Umayos ng upo ang headmaster at seryoso kaming tinignan. Nakakapagtaka ang pagpapatawag nito sa aming lima. Hindi niya kami ipapatawag kung hindi iyon mahalaga.
"May misyon akong ibibigay sa inyo." seryosong sabi nito pero mababakas ang ngisi sa likod ng seryosong mukha niya
Napaayos kaming lahat ng tayo dahil sa kanyang sinabi. Matagal-tagal na rin noong huli kaming nagkaroon ng misyon. Ang mga misyon na binibigay saamin ay nagsisilbing training na rin namin.
"Anong misyon?" sabay na tanong ni Cupid at Eros, ang kambal na prinsipe ng Water Kingdom
"Manghuhuli nanaman ba kami ng nagwawalang dragon?" bagot na tanong ni Aphrodite, ang prinsesa ng Air Kingdom
Tumaas ang aking kilay nang ngumisi ang aking nakakatandang kapatid. May nahihinuha ako sa uri ng ngisi nito.
"Pupunta kayo sa Dead Forest." nakangising saad nito
Kanya-kanyang reaksyon ang natanggap niya mula sa mga kasama ko at maski ako ay nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya dahil delikado ang Dead Forest at lahat ng pumapasok doon, hindi na muling nakakabalik pa.
"Hindi ako makakapayag sa gusto mo, headmaster." malamig na saad ni Layne
"Kuya, hindi ba't napakadelikado ng lugar na iyon?" nangangambang tanong naman ni Darina, ang aming bunsong kapatid
"Delikado nga lalo na kapag hindi kayo pamilyar sa lugar. Huwag kayong mag-alala dahil bibigyan ko kayo ng mapa." nakangiting sabi nito
Kumunot ang aking noo sa inasta niya. Para bang maliit lang na bagay ang misyon na binigay nito. Kung tutuusin ay ito ang pinakamahirap na misyon na natanggap namin mula sa kanya. Maraming delikadong nilalang sa Dead Forest at ang sabi ng aming amang hari, may nangangalaga sa kakahuyan na iyon.
"Pero headmaster, masyadong delikado. Paano kung hindi kami makalabas ng buhay doon?" tanong ni Eros
"Ilang beses na akong pumasok at lumabas doon pero hindi pa naman ako patay." natatawang sabi nito
Napasinghap ang mga kasama ko sa sinabi ko habang ako nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya.
"Kung ganoon, bakit hindi ikaw ang pumunta?" tanong naman ni Cupid
Umiling siya sa amin at tumingin sa labas ng bintana. Tumingin din ako doon para makita kung anong tinitignan niya pero wala namang ibang makikita doon maliban sa mga puno at damo.
"Dahil isa itong misyon sa inyo. Magandang pagsasanay ito para sa inyong lahat." sagot nitong habang may kinukuhang papel sa drawer ng mesa niya
May nilatag siyang isang malaking papel at mukhang iyon ang mapa na sinabi nito kanina. Sa itsura pa lang ng mapa ay makikitang mas malawak ang Dead Forest sa dating inaakala namin. Maraming mapanganib na nilalang doon dahil pinoprotektahan nila ang Dead Forest.
"Ano ang misyon namin?" tanong ko kay Tanda, matanda naman talaga siya
Ngumisi siyang muli at may nilagay na uniporme ng akademya sa mesa.
"Magtungo kayo doon at personal na ibigay ang uniporme na ito sa diwata na nangangalaga sa Dead Forest." nakangiting sabi nito
Nanlaki ang mata ng mga kasama ko at maski ako ay nagulat sa sinabi nito. Hindi dahil sa bibigyan namin siya ng uniporme kundi dahil ang pupuntahan namin ay ang diwata ng Dead Forest. Ang sabi ng mga matatanda ay mapanganib ang diwatang iyon kaya nga walang nakakalabas masok sa kakahuyan na iyon maliban nalang dito kay tanda kung totoo man ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Enchantra
FantasyDisclaimer: This book is a work of fiction. The names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination are used of fictitiously. Any resemblance to actual events, locals, or persons, living or dead is coincedental.