Chapter 1

299 16 1
                                    

CHETRANNA

Kasalukuyan akong gumagawa ng healing potion sa basement nang maramdaman ko ang presensiya ni Tiyo. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at tinuloy ang ginagawa ko. Ito ang ginagawa ko kapag wala akong magawa sa bahay dahil hindi naman ako mahilig lumabas at wala rin naman akong mga kaibigan.

"Chetranna, kakain na." tawag sakin ni Tiyo Uriel na nasa labas ng pinto

"Magliligpit lang ho ako." sagot ko habang mabilis na nililigpit ang mga kagamitan na ginamit ko

Siniguro kong malinis na ang lahat bago ako lumabas at magtungo sa hapag-kainan. Nakaupo na si Tiyo Uriel at halatang hinihintay ako nito. Ngumiti siya nang makita ako at bahagyang hinila ang silya na nasa kaliwa niya kung saan ako laging nakaupo.

"Ang Tiya Adelina po?" tanong ko nang mapansing wala ang Tiya

"Nagpapahinga muna dahil masama ang pakiramdam." paliwanag nito

"May sakit po si Tiya?" tanong kong muli habang naglalagay ng pagkain sa plato ko

"Hindi naman. Nahihilo lang siya dala ng pagsusuka niya kanina." paliwanag nito sakin

Tumango na lang ako at pinaalalahanan ang sarili na bisitahin sa kwarto si Tiya. Siguradong nanghihina nanaman ito dahil medyo maselan ang pagdadalangtao niya.

"Anong pinag-aaralan mo ngayon sa basement?" tanong ni Tiyo

"Sinubukan ko pong gawin ang healing potion na nagpapagaling ng mga paso galing sa apoy ng mga dragon." sagot ko pagkainom ko ng tubig

Iba ang apoy na binubuga ng mga dragon at napag-alaman ko na kahit napapagaling iyon at nag-iiwan ito ng peklat. At ang healing potion na ginagawa ko ay nagpapagaling at hindi mag-iiwan ng peklat ng paso sa balat.

"Mukhang interesado ka sa mga dragon ngayon, hija."

Lumingon kami ni Tiyo sa Tiyahin kong pababa pala ng hagdan. Agad na lumapit si Tiyo para alalayan ang esposa. Mukhang ayos na ang pakiramdam ni Tiya. Naupo si Tiya Adelina sa kaharap kong upuan at agad na pinagsalin siya ng pagkain ni Tiyo Uriel.

"Mahal, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Tiyo Uriel

Nakangiting tumango si Tiya Adelina bago ako binalingan.

"Chetranna, wala ka bang balak na tumapak muli sa Eragania?" malumanay na tanong ni Tiya

"Tiya, mas gusto ko ang tahimik na buhay. Kayo ho ba?" balik tanong ko sa kanya

"Kailangan naming bumalik doon bago ako manganak. Hindi ako pwedeng manganak dito." nakangiting sabi ni Tiya

Totoo ang sinabi ni Tiya. Ang mga katulad naming hindi mortal ay pwede lamang magsilang ng supling sa mundo namin dahil pwedeng manganib ang buhay ng bata at ina nito pag dito siya nanganak.

"Nakausap ko ang kaibigan mo. Maganda ang suhestiyon nito na doon ka sa Akademya mag-aral. Mas mahahasa ang kakayahan mo doon." suhestiyon ni Tiyo

"Ayokong tumapak sa lupain kung saan nawala ang mga magulang ko." mariing sabi ko

"Chetranna, alam mong kailangan mong bumalik doon. Hindi mo pwedeng talikuran ang tungkulin mo." seryosong sabi ni Tiya

"At hindi ba't may kailangan kang hanapin? Hindi mo siya mahahanap dito sa mundo ng mga mortal." segunda naman ni Tiyo

"Pag-iisipan ko ho." mahinang sagot ko

Tinapos ko ang pagkain ko at nagpaalam na magpapahinga na. Tinungo ko ang silid ko at kinuha ang librong lagi kong binabasa. Ang librong nagsasaad ng kasaysayan ng Eragania. Ang kasaysayan na alam kong nakatatak sa puso't isip ko.

EnchantraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon