Two

11 1 0
                                    


           Sinundan kita sa aking paningin, gusto kitang kausapin. Ewan ko kung bakit, parang may naguudyok lang sakin. Gusto na ata kita nun, hindi ko alam na totoo pala yun. Yun ang una nating pagkikita, pagkikitang tumatak sa aking puso't isipan. Bumalik kana, mahal ko.


Asan na kaya siya?

Iniwan ko na si Yssa at Patrick dahil baka makaabala pa ako sa kanila. Mukhang kakaiba nga si Patrick dun sa dating kinita ni Yssa. Sinabi ko nalang na mag c-cr ako para payagan na nila ako umalis dahil sa totoo lang, gusto ko na hanapin yung lalakeng umiiyak kanina.

Ikot-ikot. Grabe, di kaya maligaw ako neto? Masyado kasing malawak at maraming pasikot-sikot, buti nalang maganda ang tanawin kaya kalmado parin ako.

"Tangina, mahal na mahal kita. Bakit ako pa? BAKIT AKO PA!" sino ba yun? Sigaw ng sigaw, baka nakipagbreak sa kanya girlfriend niya. Teka nga, silipin ko nga.

Heto ako't nagtatago sa likod ng malaking halaman, sakto sa akin para hindi makitang nagtatago ako rito. Pero parang nararamdaman kong may gumagapang sa bandang balikat ko. Ca-cat—

"WAAAAAAAAAAAAH! CATERPILLAR! CATERPILLAR! ARGH! LUMAYO KAAAAAAAAAAA!" Nagpatalon-talon ako at nagsisisigaw. Ayoko talaga ng caterpillar! Saka ko lang naramdamang kailangan ko nang tumigil ng mapansin kong may nakatitig sakin.

Siya.

Napatingin ako sa kaliwa ko at kumpirmado, nakatingin nga siya. Siya! Yung lalakeng hinahanap ko. Jusko! Lamunin na sana ako ng lupa. Kahihiyan!

"Buti nga sayo. Sana mas malala pa ang nangyari sayo. Pare-parehas kasi kayong mga babae, mga paasa kayo. Akala niyo hindi kayo nakakasakit ng damdamin. Leche!" Nakipagtitigan muna siya sakin, kita ko sa mata niya ang lungkot. Umiwas siya ng tingin at tinalikuran ako, napatungo nalang ako sa kahihiyan at akmang aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita at lumapit.

"O miss, sayo nalang. Bye."

Natulala ako sa binigay niya, Roses. Red Roses. Isang uri ng bulaklak. Isang lalake ang nagbigay sa akin ng bulaklak. Bulaklak. Lalake.

Tumingin ulit ako sa kanya na naglalakad palayo. Palayo sa akin, ako na hindi makagalaw sa tuwa, lungkot at sa iba pang emosyon na nararamdaman ko ngayon.


Napaka-espesyal mo sakin simula ng araw na yun. Wala akong pake sa masasakit na salitang binitiwan mo, basta ang alam ko lang ay lumalim. Lumalim ang halaga mo sa akin. Iba ka, ibang-iba ka sa kanila.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

hihi :""""""""">


FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon