Three

10 1 0
                                    


Magkita kaya ulit kami? Isang tanong na paulit-ulit sa utak ko. Hanggang ngayon siya parin ang nasa isip ko, hanap ng buong sistema ko. Isang taong hindi ko kilala pero gusto ko makasama. Ano bang meron sayo!?

*Ting!*

Tumunog ang cellphone ko at dali-dali ko itong tinignan.

1 message received

Bes Yssa

          Bes, ayos kana? Labas tayo, libre kita ng coffee. C'mon.

Reply:

          Where? Sige, bihis lang ako.

Sending. . . Sent!

Hindi ko sinagot yung tanong niya. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam isasagot ko. Hindi ko alam kung ayos ba ako o hindi. Hindi ko nga alam kung bakit ako malungkot. Dahil ba hindi ko tiyak na magkikita pa ba kami o dahil napahiya ako sa kanya. Ewan, ang gulo.

Nandito na kami sa isang Coffee Shop na ngayon ko lang napuntahan. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako mahilig magkape, dapat nga ay aayain ko siya sa park para makalanghap muna ako ng sariwang hangin pero parang kinakabahan ako at kailangan ko uminom ng kape kaya pumayag na ako.

Ang ganda naman ng coffee shop na 'to not until mapansin ko ang isang lalake na pumasok at may dalang bouquet of flowers, bulaklak na rosas. Red Roses, flowers. Bumalik nanaman lahat ng saya at lungkot ang puso ko dahil sa nakita ko. Parang gusto ko maghanap, gusto ko tumakbo at sumigaw. Bakit? Ewan ko.

"Bes! Nakatulala ka dyan? Ano nanamang iniisip mo? Ba't ang lalim? Ayos ka lang ba talaga? May sakit ka ba?" pambungad ni Yssa galing sa counter,

"Ang dami mo namang tanong bes, wala to. Ayos lang ako." Hindi ako ayos bes. Yan ang gusto kong sabihin kaso ayoko muna pagusapan ang nangyari nung isang araw. Ang memoryang iniingatan ko.

"Oo nga pala, hindi ko na natanong. Kamusta kayo ni Patrick?" pagiiba ko ng topic,

"Uhm, ayos naman kami. Sobrang bait niya, ibang iba siya sa mga lalakeng una kong nakilala." sagot niya at nakita ko naman siyang nag-blush. Nako, ito talaga si Yssa.

"Miss Yssa?" nanigas ako sa kinauupuan ko, boses niya yun. Alam ko, siguradong sigurado ako. Siya, yung taong gusto kong makita. Napalingon ako katulad ni Yssa.

"Ian!?" imbis na tumingin siya kay Yssa. Nakipagtitigan siya sakin.


Ian. Ian pala ang pangalan mo. Kita ko ang gulat sa mga mata mo. Masaya ka bang makita ulit ako? Mahal ko? Gusto ko balikan ang mga panahong to. Miss na miss na kita.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

le feelz pls


FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon