Five

7 1 0
                                    


"Paano kayo nagkakilala?" tanong ko kay Yssa habang nanunuod nang paborito naming palabas sa tv.

"Lagi siyang nandito sa bahay at kasama nung kapatid kong binusted mo." Sagot naman niya pero nasa tv parin ang tingin niya.

"Si Marc? Ah, okay." tugon ko, hindi ko na pinahaba dahil alam ko naman na maya-maya ay magtatanong nanaman siya kung bakit di ko sinagot ang kapatid niya kahit na paulit-ulit ko nang sinasabi sa kanya ang dahilan. Pero buti naman ay hindi na siya nagtanong ulit tungkol dun.

*Ting!*

1 message received

+63906811089**

          Hi, rose. Mas maganda ka pa sa umaga. :)

Reply:

          Who's this?

Sent!

Sino naman kaya ang magtetext sakin ng ganun? Haynako, hayaan na nga. Hihintayin ko nalang magreply.

"Eh kayo, paano kayo naging magkakilala ni IAN, ROSE?" talagang nilalakasan niya ang pagkakabigkas ng mga pangalan namin.

"Ah wala yun, biglaan lang pero hindi na mahalaga." Sagot ko naman, "Talaga lang ha." Sagot naman ni Yssa.

*Ting!*

1 message received

+63906811089**

          Si Ian to, save mo ha? Busy ka ba? Labas tayo, free time ko kasi ngayon. Baka lang naman gusto mo. :)

Jusmiyo! Lalabas daw kami! Date ba to!? Ano ba yan! Wala akong dalang mas magandang damit, saktong pang-alis lang ang suot ko ngayon. Ayos na kaya to? Magustuhan niya kaya ako? Nakakaexcite naman!

Reply:

          Sige ba. :) Saan tayo magkikita?

*Ting!*

Ian ang mahal ko :")

          Asan ka ba? Sunduin nalang kita. ;)


Kahit kailan, napaka-sweet mo talaga. Kaya mahal kita e, huwag ka magbabago ha? Mahal ko. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon