Six

9 1 0
                                    


To: Bes Yssa

          Bes, tinakasan na kita. May pupuntahan kasi akong importante e, ayoko namang gisingin ka nalang. Halatang masarap tulog mo e, ingat ka dyan ha? I love you isay! :*

Sending. . . Sent!

Ayos lang kaya ang itsura ko? Grabe! Iniisip ko nalang na magsasama kami ngayon ni Ian nanghihina na ako sa kilig!

*Ting!*

2 messages received

Ian ang mahal ko :")

          Tingin ka sa likod mo, makikita mo prinsipe mo. ;)

          Ang ganda mo talaga Rose. :)

Dali-dali akong napatingin sa likuran ko at totoo nga. Nakita ko ang Prinsipe ko, Siya.

Natapos na kami kumain, maglibot sa mall at papunta naman kami sa park ngayon para magrelax. Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng isang stall ng nag-ga-gandahang bulaklak.

"Alam mo ba kung kanino ko dapat ibibigay yung bulaklak na ibinigay ko sayo nung nagalit ako?"

"Kanino?" sagot ko, "Para yun sa babaeng nililigawan ko pero nakita kong kasama yung lalakeng sinagot niya, sabi niya sakin ako ang mahal niya. Napakasinungaling." sabi ni Ian. Hindi na ako muling sumagot pa, ramdam ko na ang lungkot sa boses niya.

"Alam mo ba, ikaw ang unang lalake na nagbigay sa akin ng bulaklak sa buong buhay ko? Napilitan ka nga lang e, pero atleast binigay mo. Haha!" sabi ko, nakita kong napatingin siya sakin.

"Talaga? Sa ganda mong yan ako palang ang unang nakakapagbigay sa'yo ng bulaklak?" naging masaya ang boses niya, akala mo parang nanalo sa lotto. Mahirap pala talaga pigilin ang kilig, kaya hindi ko na napigilang ngumiti. "Pwede ko bang ulitin?" sabi niya, "Ulitin?" tugon ko, may kinuha siya sa likod niya.

"Roses for you, Rose. This time, hindi na 'to pinilit. Puso ko na mismo ang nagbibigay."

Nagulat, natanga, nabaliw, nasiraan ng ulo, natuwa at nagalak, iyan na marahil ang ilan sa mga emosyong naramdaman ko nung ulitin niya ang pagbibigay ng bulaklak sakin.


Kahit na panakip butas lang ako sa puso mong sugatan, ayos lang sakin. Ganto na kalalim ang nararamdaman ko sayo, kahit sa maikling panahon ay minahal na kita. Sana ganto rin ang nararamdaman mo para sakin. Handa ako magpakatanga para sayo, mahal na mahal kita. Sana nandyan ka parin sa tabi ko upang magbigay ng mga rosas na pinakamamahal kong gawin mo, sana nandyan pa ang mga mata mong nagsasabing gusto mo ako. Mahal na mahal kita, Ian.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon