Four

8 1 0
                                    


Hindi ko alam na magkakilala pala si Yssa at Ian, pero masaya ako. Sobrang saya ko! Nagkita kami, at nagkausap ng kaming dalawa lang! Kahit nakakakaba, pumayag ako. Kahit nagtataka si Yssa, hinayaan ko.

*flashback*

Iniwas niya ang tingin niya sakin at binaling ito kay Yssa.

"Miss Yssa, pwede ko ba siyang makausap?" sabi niya kay Yssa, sino bang tinutukoy niya? Eh kaming dalawa lang naman ni Yssa ang nasa table na to. Imposible namang ako.

"Sino? Ako ba? o si Rose?" napatingin nalang ako kay Yssa dahil sa pagtataka at dagling ininom ang aking kape.

"Oo, si Rose." Muntik ko nang mabuga ang iniinom kong kape dahil sa narinig ko. Ako ba daw talaga? Hindi ba ako namali ng pagkakarinig?

"Ah, magkakilala kayo? Parang wala kang nabanggit sakin Rose ha," napatingin sakin si yssa at tinignan ako mata sa mata at parang sinasabing "Magkwento ka sakin mamaya, BES." binalik niya ang kanyang tingin kay Ian "sige, pwede mo na siyang kausapin. Labas lang ako." at kasabay nun ay ang paglabas ni Yssa sa Coffee Shop.

Katapat ko na siya.

"B-bakit gusto mo akong makausap? Paano mo ako nakilala?" inunahan ko na siya, alam ko namang nahihiya siya sakin base sa pagkilos niya.

"Gusto ko lang mag sorry sa nasabi ko nung isang araw, hindi ko ginusto yun. Masama lang talaga ang loob ko kaya nabuntong ko sayo ang galit ko. Sorry talaga, at kung paano kita nakilala? Nakita ko kasing kasabay mong umuwi si Miss Yssa nun, hindi ko talaga alam ang pangalan mo. Binanggit niya lang kanina." Napakaamo ng mukha niya habang nakikipagusap sakin, hindi ko maitatanggi iyon.

"A-ayos lang yun, wala kang dapat ihingi ng tawad. Ayos na tayo ha?" sagot ko, sa totoo lang gusto ko magtatatalon dahil sa tuwa! Tuwang nararamdaman ko dahil magkakilala na kami, sa wakas.

"Oo, ayos na tayo. Ah, pwede ko bang mahingi ang number mo? Para makabawi ako sa'yo sa susunod. Kailangan ko na kasing umalis e, may importante pa akong pupuntahan." Sabi niya nang nakangiti,

"Sige ba," sagot ko. Ibinigay niya sakin ang cellphone niya at sinave ko ang number ko.

"Ayan, ayos na." pagka-abot ko ay kasabay ng pagtama ng aming mga kamay kung saan dumaloy ang libo-libong boltahe ng kuryente na nagpalakas ng tibok ng puso ko. Nagkatitigan at nginitian niya ako, ngunit hindi nagtagal ay umalis na siya at nagpaalam. "Bye, Rose."

*end of flashback*


Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, ang araw na pinatibok mo ang puso ko. Buong-buo, napakatindi. Hanggang ngayon, mahal ko. Ikaw parin ang laman nito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon