"O miss, sayo nalang. Bye."
Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang una nating pagkikita. Hindi sadya, biglaan ang lahat. Hindi kita kilala, pero pinansin mo 'ko. Siguro kasi nahiya ka sakin nung mga panahong yun at syempre kahit ako. Gusto kita samahan, yakapin, kausapin at kilalanin. Pero huli na ang lahat, sana pala di kita pinakawalan sa bisig ko. Sana hanggang ngayon nasa akin ka parin. Sana pinaglaban natin ang mga sarili natin. Sana, bumalik kana. Bumalik kana ulit sakin, sige na. Mahal na mahal parin kita.
"Sige na Rose, samahan mo na ako. Natatakot ako eh." Heto nanaman si Yssa, makikipagkita kasi sa di kakilala tas nag hahanap pa ng kasama. Naku naman!
"Makikipagkita ka pa kasi sa lalake, dun pa sa nakachat mo lang sa facebook! Maawa ka naman sa sarili mo! Di ka pa ba titigil? Muntik ka na marape dati ng dahil dyan!" sita ko.
"Eh kasi naman, ang pogi naman nung dati. Anghel yung panlabas na anyo, demonyo pala talaga. Pati, past na yun bes. Malay mo 'tong kikitain natin ibang-iba dun sa mga lalakeng nauna." pangungumbinsi niya,
"Anong kikitain natin!? Mag-isa ka, mahal ko buhay ko!" bahala nga siya dyan, duh! Never been kissed at never been touched pa ang lola niyo!
"Sige na naman bes! Sige, deal. Last na talaga to, di na ako uulit sa susunod. Basta, sasamahan mo 'ko ngayon. Please?" ayan nanaman yung matang naluluha na yan, kairita! Alam niya talaga ang kahinaan ko.
"Yang mata mo tigilan mo ko dyan ha! Nako sinasabi ko sa'yo Yssa. Oo na, sasamahan na kita basta last na to ha? Promise?"
"Ang bait bait mo talaga bes! Kaya mahal kita eh. Yiiiiiie." Tumahimik nalang ako at nagsimula na magbihis. Paano ba naman kasi, 8 na ng gabi aayain pa ako sumama sa kanya. Bruhang to!
Mabilis kaming nakarating sa isang restaurant na sobrang ganda dahil nasa garden siya na malawak, ang daming bulaklak! Grabe, gusto ko silang pitasin lahat! 22 na ako pero sa buong buhay ko, wala pang nakakapagbigay sakin ng bulaklak. Kahit santan manlang o gumamela ay walang taong nagkainteres bigyan ako.
"Bes, asan na ba yung lalakeng kikitain mo dito?" tanong ko, pero di parin ako pinapansin dahil nakatulala siya sa isang lalakeng matipuno na naglalakad papunta sa harapan niya.
"Yssa?" tanong nung gwapong lalake, eto na ba yun? Grabe, ang swerte naman ni bes. Perpektong perpekto ang itsura.
"Patrick?"
At kasabay nun ay ang pagtama ng ating mga mata, at nakita kong lumuluha ka.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*power hug*
qt natin mwehe! :p
BINABASA MO ANG
Flowers
Short StoryAng pagmamahalan ni Ian at Rose. Hanggang sa huli, hanggang sa dulo.