Seven

9 1 0
                                    


Iba talaga ang epekto mo sakin. Ang lakas, ang tindi.

Ilang buwan na ang lumipas, hanggang ngayon ang nanliligaw parin si Ian sakin. Kahit na gusto ko na siya sagutin, gusto ko parin siyang subukin. Kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, para sakin. Sabi nila, relasyon ang pinapatagal hindi panliligaw. Pero para sakin, hindi lang relasyon ang pinapatagal at pinapatibay. Kundi pati ang panahon kung kailan mo siya makikilala ng lubusan.

Walong buwan na, walong buwan na akong sinusuyo ni Ian. Alam kong mahal na mahal niya ako. Dahil ramdam ko, at nakikita ko. Hanggang sa dulo, nakikita ko sa kanyang mga mata.

Gabi na at nandito lang ako sa kwarto. Ang lamig parin ng simoy nang hangin, siguro ay dahil patapos palang ang enero. Namimiss ko na si Ian, kailan kaya siya babalik? Nasa pamilya niya kasi siya ngayon, sa probinsya.

*Kring! Kriiiiiing! Kring! Kriiiiiig!*

Ian ang mahal ko :") calling...

Accept || Decline

"Ian? Bakit ka tumawag? Akala ko ba di ka muna gagamit ng cellphone?" pangunguna ko,

"Rosas ko, hindi ko kayang hindi ka makausap. Hindi ako mapakali kaya tinawagan na kita. Miss na miss na kita, Rose." tugon niya, napaka-sweet niya talaga sakin.

"Naku, naku, nakuuu! Ewan ko sa'yo. Haha! Oh, kamusta kayo diyan?"

"Ayos naman, masaya dito. Lahat ng kamag-anak namin ay pumunta. Pero mas masaya to kung nandito ka. Ba't kasi ayaw mo sumama?" sabi niya

"Gusto ko kasing magkaroon ka ng mas maraming oras para sa pamilya mo, Ian. Ayoko naman na sumama nga ako pero nasa akin naman ang buong atensyon mo, edi nawalan ng halaga ang pag-uwi mo diyan dahil sakin. Kaya ayoko mangyari yun." sagot ko

"Haynako, hindi naman mangyayari yan kung sumama ka eh. Pero wala akong magagawa kung yan ang iniisip mo, Rose. Sana sa susunod sumama kana, ha?"

"Oo sige, sasama na ako sa susunod. Huwag ka mag-alala."

"Promise yan ha? Walang halong biro."

"Oo, promise yan."

"Ian anak, nandito na si doc--" sabi ng isang babae sa kanya, mama niya siguro yun.

"OPO MA!" sagot ni Ian,

"Rose, kailangan ko na umalis ha? Si mama kasi eh, magiingat ka dyan ha? Wag kanang lumabas pag gabi, o kung lalabas ka man magpasama ka kay Yssa. Text mo 'ko pag may sakit ka ha? Miss na miss na kita! I love you, Rose." sabi niya

"Bye, Ian. Ingat ka dyan. Namimiss na din kita." sagot ko

*toot* *toot* *toot*

Makakatulog na siguro ako ng mahimbing neto, sobrang maalaga ni Ian. Kahit na 2 linggo na kaming walang usap at ngayon lang ulit, pinawi niya lahat ng nadarama kong lungkot. Sana kapag sinagot ko na siya, hindi siya magbago. Hindi katulad ng ibang lalake dyan, na kapag sinagot mo na. Nagiiba ang ugali, puro pakitang tao habang nililigawan ka. Mapanlinlang, sobra.

Tinext ko nalang si Yssa para may masabihan ako.

To: Bes Yssa

          Bes! Tinawagan niya ako ngayong gabi. :"") Grabe! Ang saya-saya ko. Nawala lahat ng pagod ko. Labas tayo bukas? :D Libre kita, laro tayo ng Basketball sa WOF! Miss you, bes. Mwa. :*

Sending. . . Sent!

*Ting!*

Bes Yssa

          Talaga? Ah sge, labas tayo bukas. Miss u too.

Reply:

          Bes, ayos kalang? Ang tamlay mo mag reply ah. Walang emoticon? May sakit ka ba? :o

Sent!

Ano kayang nangyari dun? Naku, baka nagaway sila ni Patrick. Oo nga pala, matagal niya nang sinagot si Patrick. Ilang buwan na rin sila ngayon.

*Ting!*

Bes Yssa

          Ah, wala to. Night bes.

Reply:

          Okie, goodnight bes! :)

Makatulog na nga lang, masyado lang siguro akong masaya kaya hindi ko napapansin na masaya rin si Yssa. Haynako! Baka nga nag-away lang yung dalawang yun. Baka may pinagselosan or what. Haha! Tapos, napaka-moody pa niyan ni Yssa. Pero, kailan kaya siya babalik? Sana umuwi na siya dito, Miss na miss ko na siya.

Pero sadyang unfair ang buhay. Kung kailan hulog na hulog nako, kung kailan sasagot nako ng Oo. Kung kailan magiging mas masaya na sana kami sa pagmamahalan namin. Kung kailan totoong mahal na mahal ko na siya. Kung kailan kaya ko na sumabak sa isang hamon ng buhay. Lahat ay nawala, lahat ay kinuha. Bakit ganun? Hindi ba nila alam na mas masasaktan ako? Bakit kailangan nila gawin yun? Bakit? Mahal na mahal kita, Ian. Walang hangganan ang pagmamahal ko para sayo.

Yun na pala ang huli, ang huli nating pag-uusap. Madaya ka, Sobra. Ang selfish mo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon