Dear Rosas ko,
Mahal na mahal kita. Walang katumbas ang pagmamahal ko sa'yo. Ipagsisigawan ko pa to sa buong mundo kaso nahihirapan ako. Patawarin mo ako ha? Kung naglihim ako sayo, ayaw kasi kitang saktan mahal. Kaso, kahit ano namang gawin ko, sa huli masasaktan at masasaktan ka parin. Huwag ka magalala, magiging maayos din tayo. Kahit na hindi mo ako sinagot, alam kong mahal mo ako. Mahal na mahal kita rose. Hindi ko kaya mabuhay ng wala ka, pero sana mabuhay ka ng wala ako. Tatagan mo ang loob mo rose, yung rose na nakilala ko. Yung rose na minahal ko! Yung hindi sumusuko! Lagi ka paring ngumiti kahit wala na ako sa tabi mo. Huwag mo na ako iyakan ha? Grabe yung mga binabalita sakin ni Yssa na kapag binibisita ka niya madalas hindi ka na kumakain. Lagi ka nalang walang gana, dahil daw sakin. Sobra nga daw ang pinayat mo. Huwag ganun, mahal. Magpalakas ka! Hindi katulad ko, duwag. Duwag sa lahat ng bagay. Duwag sayo. Mahal, oo wala mang opisyal na naging tayo. Pero sa puso ko, ikaw lang. Nagiisa, walang katulad. Nabalitaan ko din na nagkasakit ka ng matagal, mahal naman eh. Huwag kang ganyan, kita mo nahihirapan din ako. Kung pansin mo nakatype nalang tong sulat? Kasi hindi ko na kaya gumawa pa, pinagawa ko na nga lang to sa nakakabata kong kapatid habang nakahiga ako sa hospital bed. Oo mahal, iniisip kita kahit nandito ako. Dobleng hirap ang nararamdaman ko. Miss na miss na miss na kita. Huwag ka mag-alala sakin, nasa maayos na kalagayan na ako sa mga susunod na araw. Ako ang magiging tagabantay mo kahit san ka magpunta. Ako ang magiging anghel mo, mahal. Huwag ka mag-alala nandyan parin ako sa tabi mo. Poprotektahan kita mahal, makabawi manlang ako sayo. Sa lahat ng kagaguhan na ginawa ko. Mahal patawarin mo ko kung nilihim ko ang sakit ko. Ayoko lang na kaawaan mo ako at bigla nalang sagutin dahil lang sa malapit na ako mamatay. Ayokong dahil sa awa mo, bitawan mo ang isang salitang hinihintay ko sa loob nang mahabang panahon. Kaya ginawa ko nalang na magsinungaling sa'yo. Tungkol dun sa text? Lahat yun ay purong kasinungalingan. Nung pinapatext ko yun sa pinsan ko, humahagulgol na ako kaya nadala ako sa ICU dahil mas humina daw ako. Hirap na hirap ako sabihin ang mga salitang yun mahal, nasasaktan ako pero wala akong magagawa. Mahal, ipagpatuloy mo ang buhay mo nang wala ako, susuportahan kita basta tama. Kung magmamahal kang muli, ayos sa akin yun. Ayokong ako ang dahilan ng pagsisira ng puso mo. Mahal na mahal na mahal kita rose, higit pa sa buhay ko. Lagi mong tatandaan yan ha? Mahal, hindi ko na ata kaya. Gusto ko nang sumuko kahit napaka selfish man pakinggan, gusto ko na lang mamatay. Ayoko na mahal, dahil wala na rin namang pag-asa na gumaling ako. Stage 4, cancer. Mahirap na mahal. Noong huling tawag ko sayo, nung tinawag ako ni mama. Dumating yung family doctor namin nun para kausapin kaming lahat tungkol sa sakit ko. Mahal, lagi mo lang tatandaan na nandito ako para sayo. Eto na ang huli mahal, magiingat ka ha? Huwag lalabas ng gabi, magtetext lagi kay Yssa para alam ni Yssa ang nangyayari sayo. Huwag kakausap ng di kilala, baka ano ang mangyari sayo. Alam ko namang angel mo ako, pero hindi kaya sumuntok ng angel okay? Gusto na kitang yakapin ng mahigpit, mahal ko.
Mahal na mahal kita, Rose.
Nagmamahal ng totoo sayo,
Ian ng buhay mo :")
Eto ang sulat na inabot sakin ng mama ni Ian. Mahirap man paniwalaan ang mga nangyayari ngayon, kailangan kong tanggapin na si Ian ay wala na. Hanggang sa huli, hindi man naging kami. Wala mang kasiguraduhang naganap, pero alam namin sa mga sarili namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
Nandito kami ngayon, kakatapos lang ng libing ni Ian. Hindi ko man gusto na sumuko na siya, pero wala akong magagawa. Pilitin ko man magalit dahil sa lihim niya, wala na akong magagawa dahil huli na ang lahat. Kailangan ko nalang pahalagahan ang bawat oras na magkasama kami, kailangan ko nalang manatiling matatag para sa aming dalawa. Kagaya nang kagustuhan niya, hindi ko isisira ang puso ko sa mga taong padating. Kailangan ko nalang muna ibsan ang sakit na nararamdaman ko.
"Mahal na mahal din kita Ian. Katulad mo, walang hangganan ang pagmamahal ko sa'yo, Mahal ko." at kasabay nun ay ang paglakas ng hangin na tila ako'y nayayakap nito, at alam ko. Si Ian yun.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Flowers
Short StoryAng pagmamahalan ni Ian at Rose. Hanggang sa huli, hanggang sa dulo.