Pitong buwan na, Pitong buwan simula nung huli naming paguusap. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari. Mukha akong tangang naghihintay, hindi ko nga alam kung may hinihintay pa ako. Para akong Rosas na malalanta, naghahanap nang mga kakailangangin ko para mabuhay pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag tinatanong ko si Yssa tungkol kay Ian ay iisang sagot lang ang maririnig ko. "Hindi ko alam, Rose."
Hindi ko alam kung nagsisinungaling siya sakin, pero bakit niya gagawing lokohin ako diba? Alam kong hindi kayang gawin ni Yssa sakin yun, magsasabi sakin nang totoo yun. Mahal niya ako, kaya hindi niya gagawin yun.
Sa Pitong buwan na hindi niya pagpaparamdam, halos mabaliw na ako.
Pitong buwan niya ako tiniis, Pitong buwan niya ako hindi nakausap, Pitong buwan!? HANEP!
Sa loob ng mga buwan na yun, paulit-ulit nalang ang ginagawa ko.
Tatadtarin siya ng Tawag at Text, kukulitin si Yssa, iisipin siya ng paulit-ulit, iiyak tuwing gabi, papatugtugin ang paborito naming kanta, iiyak ulit, iiyak ng paulit-ulit.
"Hindi kayo, walang kayo." sabi ng traydor kong utak,
Heto ako, nakakulong sa kwarto habang nakikinig ng kanta (Like a Rose by A1), walang ganang kumain, nababaliw na, naghihintay sa isang tao, naghihintay sa kahit isang text manlang galing sa kanya.
*Ting!*
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko,
pero muli nanaman akong nadismaya. Akala ko siya na.
Bes Yssa
Bes, kumain ka na ba? Wag ka magpapagutom please? Nakita ko kung gaano ka pumayat. Please, wag mo papabayaan ang sarili mo. I love you, Rose. Kumain kana, please.
Hindi ko na siya nireplayan, kahit naman pilitin ko kumain hindi ko parin kaya. Bahala na, wala talaga akong gana.
*Ting!*
Muling tumunog ang cellphone ko, pero hinayaan ko nalang. Alam ko kasing si Yssa nanaman yun at mangungulit sakin na kumain na ako. Pinikit ko ang aking mga mata at nakatulog ako.
Naalimpungatan ako dahil sa tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ang pagtetext sakin ng gantong oras?
04:11 AM
2 messages received
Inisip ko kung titignan ko ang message, nagaalangan man dahil alam kong Yssa lang ito ay tinignan ko na.
Ian ang mahal ko :") 07:14 PM
Bes Yssa 04:10 AM
"ANAK NG TOKWANG GINISA! SI IAN! NAGTEXT SI IAN!11!!1!1!!! KAGABI!?" sigaw ko,
Dali-dali kong binuksan ang message niya
Ian ang mahal ko :")
Rose, sorry kung ngayon lang ako nagtext sayo. Ah, gusto ko lang sabihin na wag ka nang aasang babalik ako. Matagal na kasi akong may asawa dito, may anak na rin kami. Nagtataka ka ba kung bakit may anak na agad ako eh ilang buwan palang naman tayo nagkakahiwalay? Alam mo kasi, nung umuwi ako dati dito girlfriend ko na siya at nabuntis na siya kaya ako pumunta ng maynila. Pero syempre, kailangan ko na maging ama kaya umuwi na ako. Alam mo ba? Lalake yung anak namin, ang gwapo! Mana sakin. Kakapanganak lang nung misis ko last month. Nung mga nakaraang buwan ko pa sana gusto sabihin sayo. Kaso naduduwag ako, at nag-aalala ako sa mga pwedeng gawin mo. Malay ko ba kung magpakamatay ka dahil sakin, kasi baka mahal na mahal mo ako. Hahaha! Alam ko naman kasing gusto mo ako, matagal na. Masyado ka kasing maarte, ayaw mo pa ako sagutin. Ayan tuloy, bumalik ako sa una. Rose, hindi naman talaga kita minahal. Naaawa lang ako sayo simula nung sinabi mong ako ang unang lalakeng nagbigay ng rosas sayo, siguro kaya ako ang una kasi walang nagkagusto sayo? Hahaha! Kawawa ka naman pala. Matagal na kitang niloloko at nagpapaloko ka naman. Kaya talaga ako umuwi dito kasi tinext ako nung girlfriend kong namimiss niya na daw ako. Naging pampalipas oras lang kita Rose, kaya wag ka nang aasa pa ha? Isa pa, wala sayo ang katangian ng babaeng gusto ko. Kaya salamat sayo, may naging laruan ako nung nandyan pa ako. Ang tanga mo rose, napakatanga mo! Yun lang naman. Bye, Rose! :)))
NATANGA AKO, HINDI AKO MAKAGALAW. DAHIL SA HALO-HALONG EMOSYON, HALO-HALO. GALIT! INIS! GALIT! LUNGKOT! GALIT! PAGKA-ASAR! GALIT! GALIT! GALIT! GALIT NA GALIT AKO! SA BUONG BUHAY KO WALANG GUMAGO SAKIN NG GANITO! HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO. WALA SIYANG KWENTA. ANG KAPAL NG MUKHA NIYA! SOBRA! WALA SIYANG KWENTA. WALA!
Sa sobrang inis ko, tinignan ko ang text ni Yssa
Bes Yssa
Bes, kailangan mo makinig sakin okay? Susunduin kita ngayon diyan, pag dating ko dyan saka kana magtanong. Please? Maawa ka sakin bes. On the way na ako, alam kong gising ka. Hintayin mo ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang aga aga pa eh!" sabi ko
"Sa airport." sagot niya
"Ha? Anong airport? Lalabas tayo ng bansa?"
"Hindi, pupunta tayo ng Cebu."
"Ano namang gagawin natin dun? Sabihin mo na sakin Yssa, please?"
"Masasagot lahat ng katanungan mo pag nandun na tayo. Tatagan mo lang loob mo, Rose. Mahal na mahal kita."
Hindi na ako sumagot ulit, hindi niya rin naman sasagutin ang tanong ko kung sakali. Hinayaan ko nalang. Naiisip ko tuloy ang text ni Ian sakin, galit na galit parin ako. Yung pagmamahal ko sa kanya ay biglang napalitan ng galit. Pero kapag iniiisip ko lahat ng ginawa niya para sakin, nararamdaman kong totoo. Pero salungat sa tinext niya. Ewan, di ko na alam! Gulong-gulo nako. Suko na ako.
Pero napatunayan ko na, nauna kang sumuko kesa sakin. Nakakainis ka! Nakakaasar! Pero, Mahal na mahal kita, Ian.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Flowers
Short StoryAng pagmamahalan ni Ian at Rose. Hanggang sa huli, hanggang sa dulo.
