First Dose: My Weirdo

10.3K 181 14
                                    

ALDEN

Everything happened so fast and it was really out of plan I wasn't expecting things to be what they turned out to be but I am thankful for everything. Sobrang gina-guide lang talaga ako ni mommy kasi after five years of searching for my place in this industry sa wakas ito na. Established na ang isang Alden Richards, nandito na ko. Sa isang idlap lang ito na yung sobrang tagal kong pinangarap at hinintay. Yung matagal ko nang sinusubukang abutin at pinagdadasal gabi-gabi. Muntik ko ngang sukuan at tanggapin na lang na hanggang dun na lang talaga ako. Maybe it's not for me and then this happened - AlDub happened and everything starts to fall into their right places. Endorsements, guesting, mall shows, photoshoots, interviews, awards, album, movies, and an upcoming teleserye in just a matter of what? six months. In six months it all happened and a lot more to come and we're just starting. Unbelievable and yet it's real.

"matunaw yan papi." Sam mocked.

"ewan ko sayo. Yan ka nanaman eh."

"paano ba naman kasi kung makatitig ka! parang hindi mo nakakasama, uy!"

I just shook my head as I continue to watch Maine deliver her spiels, hindi siya kasama nila kuya Jose kasi malayo yung barangay at may flight kami papunta Cebu ng 3:30pm kaya nasa studio siya, di na nga namin mapapatapos EB. It's been 3 months since we were able to finally formally work with each other - exchange stories, attend events together, travel together for work, perfom, and stuffs just like the usually love teams do.

"naku papi ah."

"hoy Sam. Tigilan mo na nga ako. Nang-aano ka eh."

He laughed. "ito na nga, di na. Di ka pa kumakain di ba?"

"hay naku Sam busog na yan." Reeza, one of our floor director and a good friend, butted in.

"iba na talaga pag-"

"subukan mo ituloy. Bibigwasan ka niyan." Reeza cut Sam with a stiffle laughter.

"pasensya. Na-miss ko lang laglagan wars."

"dun kayo maglaglagan wars sa likod wag dito. Dami makakarinig." Reeza joked. "oh hala. Magtatrabaho na ko."

As if on cue their segment ended. She walk towards us while making weird faces, para namang may bago.

"ba't nandito kayo sa labas?" she stated. "anong nakain niyong dalawa?"

"ako yung pagkain sa likod. Yan isang yan... ewan ko lang."

"ano ka talaga. Eh noh." I said as I give him a nudge.

"Sam segment mo na sunod." Reeza called.

"ingat kayo ah. Pakainin mo yan ng matino, Maine. Nahihibang na eh." he said and left.

"hmp. Matagal ka na kayang hibang." she murmured rinig ko naman.

"Oo ah. Matagal na kong hibang..." I agree as I wiggle my eyebrows.

"ay. Ayoko ng ganyan mo ah." she pointed out and turned her back to me.

"asus. Kilig ka naman di pa nga tapos yung banat ko." I stated as I poked her.

"che!" then she just make face at me as we walk back at the backstage.




































It's already 1am when we're finally able to went back to our hotel here in Mactan, Cebu. The crowd was awesome as always and Maine is as energetic as the people. Maaga naman natapos yung event mga 10pm pero syempre nag-accommodate pa kami ng fans na nagpunta para sa meet and greet kahit nga yung walang passes na nadaanan namin kanina ina-accommodate na rin namin katulad ng nakasanayan hangga't maari naman gusto namin mapagbigyan lahat pero syempre hindi naman din pwede pero kahit papaano naman sinusubukan namin. Makita lang silang masaya at nakangiti sobrang rewarding na at nakakawala ng pagod.

Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon